Michelle Dee pasok na sa Top 10 ng Miss Universe, isa sa mga nangunguna sa fan votes | Bandera

Michelle Dee pasok na sa Top 10 ng Miss Universe, isa sa mga nangunguna sa fan votes

Therese Arceo |October 14,2023
facebook
share this

Michelle Dee pasok na sa Top 10 ng Miss Universe, isa sa mga nangunguna sa fan votes

Therese Arceo - October 14, 2023 - 06:40 PM

Michelle Dee pasok na sa Top 10 ng Miss Universe, isa sa mga nangunguna sa fan votes
SIGURADONG pasok na ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa Top 10 delegates ng Miss Universe 2023.

Talaga namang todo suporta ang madlang pipol sa actress-beauty wueen dahil isa ito sa mga nangunguna sa fan votes base na rin sa inilabas na post ng Miss Universe Organization ngayong Sabado, October 14.

“It’s neck and neck!” caption sa post ng Miss Universe sa Instagram kung saan bukod kay Michelle Dee, kabilang lang rin sa listahan sina Diane Leyre (France), Sheynnis Palacios (Nicaragua), Endi Demneri (Albania), Melissa Flores (Mexico), Amara Bo (Myanmar), Karla Acevedo (Puerto Rico), Celeste Viel (Chile), Anntonia Porsild (Thailand), at Maya Abou El Hosn (Lebanon).

Samantala, sa kabila ng pangunguna ni Michelle sa iba pang kandidata ng naturang beauty pageant sa mga fan votes ay in no particular order pa ang inilabas nitong listahan.

Hikayat pa ng Miss Universe Organization, “Download the Miss Universe app and cast your votes now!”

Baka Bet Mo: Michelle Dee handang-handa na sa Miss Universe pageant: ‘I’m giving everything…200% of myself’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Para mapanatiling secured ang slot ni Michelle at matulungan itong mas mapalapit sa inaasam nitong korona, kinakailangan ang powers ng madlang netizens na bumoto.

Awtomatiko kasing pasok sa semi-finals ang kandidatong makatatanggap ng pinakamataas na bilang ng fan votes ayon na rin sa Miss Universe Organization.

Si Michelle ay anak ni Melanie Marquez na hinirang na Miss International 1979 at pinsan naman ni 2017 Reina Hispanoamericana Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.

Hangad ng Kapuso actress at beauty queen na masungkit ang ikalimang korona para sa Pilipinas at sundan ang yapak nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gaganapin ang 72nd Miss Universe coronation night sa November 18 sa El Salvador kung saan magtatagisang ng galing, ganda, at talino ang 87 delegates mula sa iba’t ibang bansa.

Related Chika:
Miss Universe PH 2023 Michelle Dee umaming bisexual: ‘I’m attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending