Melai may kwelang birthday message para kay Jason: ‘Pangako ko sa’yo guguluhin ko buhay mo!’

Melai may kwelang birthday message para kay Jason: ‘Pangako ko sa’yo guguluhin ko buhay mo!’
PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

KWELA na may halong kilig ang birthday greeting ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros para sa kanyang mister na si Jason Francisco.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinandera ni Melai ang family picture nila na tila nagkaroon sila ng simpleng handaan para sa kanilang padre de pamilya.

Kalakip ng pictures ang kanyang mensahe, “Happy Bday My forever enemy/lover [smiling face with heart-eyes emoji].”

“Thank you Lord that I found you…. kasi di ako maka kiat sa buhay ko dahil ikaw ang prefect of disipline sa buhay ko [emojis] parang naasawa ko ang tatay ko and that’s you Mr. Jason Francisco,” patuloy niya.

Biro pa niya, “Pero papangako at sisisguraduhin ko sayo na guguluhin ko buhay mo [emojis].”

Baka Bet Mo: Jason Francisco ‘babe’ ang tawag kay Sunshine Cruz: Parang na-feel ko lang…

Napaabot din ng mga pagbati ang ilang kapwa-celebrities para kay Jason, kabilang na riyan sina Jolina Magdangal at Bianca Gonzalez.

Bumuhos rin ang birthday greetings ng kanilang fans at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“PBB days palang Melason forevz! Happy birthday Jason!”

“Happy Birthday Papang Strolls ni Momshie Melai. God bless your Family momsh [red heart emojis].”

“Happy Birthday to Jason. Wishing all the best for your and your family [smiling face with heart-eyes emojis].”

“Mula pbb kayo na at habang buhay, Jesus is inside you all [folded hands, heart emojis].”

Kamakailan lang, proud nang ibinunyag ni Melai na siya pala ang bida sa mga naging pasilip niyang taping noong mga nakaraan.

Sabi pa niya, siya raw ang gaganap na “Ma’am Chief” na tinutukoy niya sa kanyang mga posts.

Super thankful, aniya, siya dahil matagumpay ang first-ever shoot niya sa ibang bansa.

Bukod diyan, isa ang komedyana sa mga magho-host ng bagong variety show na “It’s Your Lucky Day” kasama sina Luis Manzano, Robi Domingo, Jennica Garcia, at ilan pang co-host at guests.

Mapapanood na ang nasabing show sa GTV ngayong October 14, 12 p.m. kung saan ito ang magiging kapalit ng “It’s Showtime” habang nakasuspinde ng 12 days.

Related Chika:

Jason Francisco may nakakalokang birthday wish: Sana magdikit na ngipin ng mama n’yo

Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: ‘Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila’

Read more...