SB19 super thankful, ‘GENTO’ umani na ng 30-M views

SB19 super thankful sa fans, ‘GENTO’ umani na ng 30-M views sa YouTube: ‘Thank you for making it a massive hit!’

Pauline del Rosario |October 13,2023
facebook
share this

SB19 super thankful sa fans, ‘GENTO’ umani na ng 30-M views sa YouTube: ‘Thank you for making it a massive hit!’

Pauline del Rosario - October 13, 2023 - 11:37 AM
SB19 super thankful sa fans, ‘GENTO’ umani na ng 30-M views sa YouTube: ‘Thank you for making it a massive hit!’
PHOTO: Instagram/@oficialsb19

MAY bagong milestone ang hit single na “GENTO” ng Pinoy pop sensation na SB19!

As of this writing, ang music video ay mayroon nang 30,176,847 views at mahigit 559,000 likes sa YouTube mula nang i-upload ang music video noong May 19.

Dahil diyan, lubos ang pasasalamat ng grupo sa fans dahil sa suporta na ibinigay nila upang maging isang massive hit ang nasabing kanta.

“30 Million strong! Thanks to all our A’TIN for making ‘GENTO’ a massive hit on YouTube!” saad sa Instagram post ng boy group.

Baka Bet Mo: SB19 nalagay sa alanganin dahil sa ‘side comment’ nina Vice at Anne sa ‘Showtime’, ipinagtanggol ng mga fans

https://www.instagram.com/p/CyPxNwMvxag/

Magugunitang nag-trending ang nasabing kanta sa social media kung saan ilang oras palang nang ma-upload ang music video ay napabilang na agad ito sa Top 12 ng trending music ng YouTube.

Ang naturang single ay isang powerful message ng SB19 na kung saan ay tila ikinukwento nila ang ilang taong paghihirap bago sila sumikat na parang ginto.

Naging inspirasyon daw sa kanta ang pagsusumikap at tiyaga ng grupo upang makilala hindi lang sa local, kundi pati na rin sa global music scene.

Nauna ring sinabi ng grupo na ang “GENTO” ay patikim lamang sa kanilang album na pinamagatang “PAGTATAG!” na inilabas noong Hunyo.

Bukod sa pagiging massive hit sa nasabing video-sharing app, naging dance craze din ang nasabing single hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Biruin mo, ilan lamang sa mga gumawa ng dance cover nito ay ang Korean pop stars na sina Eunhyuk ng Super Junior, dating miyembro ng 2NE1 na si Minzy, Jungwon ng ENHYPEN, The Boyz’s Juyeon at Sun Woo, Ateez’s San, at Dayeon ng Kep1er.

Related Chika:

Direktor ng ‘Lola Igna’, ‘Fuccbois’ na si Eduardo Roy, Jr. pumanaw na sa edad 41

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito biglang nag-trending sa socmed dahil sa SB19, hirit ni Neri: ‘Napa-wow na lang ako!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending