Super sikat na socmed female personality tinatanggihan ng mga kumpanya para maging endorser: ‘Hindi maganda ang image niya!’
SOBRANG sikat sa social media ang female personality na ito dahil marami siyang followers at subscribers sa lahat ng accounts niya.
Very visible siya sa Facebook, Instagram, Twitter, YouTube at TikTok pero hindi pala pruweba ito para kunin siyang endorser ng mga kilalang brands.
Nagulat kami nang ihain ng kilalang TV network ang sikat na socmed personality sa tatlong brands na may kinalaman sa detergent, shampoo at gamit sa bahay na naglalagay ng advertisements sa mga programa nila both online at free TV, pero mabilis siyang tinanggihan.
Maging ang aming source na taga-marketing department ay nagulat din dahil akala nila dahil sikat sa socmed at maraming followers ay madaling ibenta, mali pala.
Ang iisang rason ng kausap nila sa tatlong ahensya ng mga produkto, “Hindi po maganda ang image niya, ayaw siya ng clients, hindi makakatulong sa products and even sa mga inumin like soda and beers, tinatanggihan.”
Dagdag pa, “Saka ang mahal-mahal niya wala naman siyang naging TVC o makikitang billboard man lang sa EDSA o maski na sa SLEX at NLEX.”
Sa madaling salita hindi pala batayan na sikat ka sa socmed para kunin kang endorser.
Baka Bet Mo: #TrueBa: Andrew E bagong endorser ng isang online shopping app?
“Oo, dapat lowkey ka lang tapos magaganda lang posts mo saka ‘yung may matutunan sa ‘yo ang buyers ng products,” katwiran pa sa amin ng aming kausap.
Gusto naming isiping paano kikita ang sikat na socmed personality kung walang kumukuha sa kanya, “Malakas naman siya kumita sa sa socmed niya di ba? Doon na lang siya.”
Sabay tsinek namin kung may mga pino-post siyang mga produkto. May nakita kami dalawa na parang hindi naman maganda at paulit-ulit na pino-post, the rest ay puro anik-anik lang.
Buti na lang walang manager ang sikat na socmed personality or else hindi siya kikita sa alaga niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.