Rendon Labador binanatan si Yexel Sebastian: Nakita mo na ba itsura ng kulungan?

Rendon Labador binanatan si Yexel Sebastian: Nakita mo na ba itsura ng kulungan?

MULI na namang naging aktibo ang social media personality na si Rendon Labador upang banatan ang kontrobersyal na toy collector at dating miyembro ng Streetboys na si Yexel Sebastian.

Kasalukuyang nasasangkot sa P200-million investment scam ang kilalang toy collector na nagsimula nang isang investor ang dumulog kay Sen. Raffy Tulfo upang ireklamo si Yexel at partner nitong si Mikee Agustin.

Hindi naman pinalagpas ni Rendon ang pagkakataong i-call out ang pinaghahahanap na toy collector.

Sa kanyang mga Instagram stories ay binanatan ng self-proclaimed motivational speaker si Yexel na kasalukuyang nasa Nagoya, Japan na kinumpirma rin ng Bureau of Immigration.

Baka Bet Mo: Rendon Labador aprub kay Gerald Anderson: Pwede ka nang maging motivational speaker

 

“Nakita mo na ba itsura ng kulungan?” maangas na tanong ni Rendon kay Yexel.

Pagpapatuloy pa niya, “Tumakas ka pa papuntang Japan. Akala mo makakatakas ka sa akin?”

Binalaan rin ni Rendon si Yexel at sinabihang sulitin na nito ang mga araw na malaya siya.

“Wait ka lang. Magbakasyon ka hanggang kaya mo. Bilang na ‘yung masasayang araw mo!” banta pa niya.

Samantala, naglabas na ng pahayag si Yexel sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Ayon sa kanya, kinakailangan raw nilang umalis ng bansa dahil nalalagay na sa alanganin ang seguridad ng kanyang pamilya.

Hirit pa ni Yexel ukol sa investment, “Legit ang Junket. Legit lahat ang tao at Legit ang Operation. Hindi ‘yan mapepeke nang kahit sino dahil hindi ka magkaka-branch sa isang casino na legal, para magka-junket kung illegal ito.”

Wala pa namang tugon o pahayag si Yexel sa mga banat sa kanya ni Rendon.

Related Chika:
Rendon Labador pinatutsadahan si Cristy Fermin: Palibhasa hindi ka nadidiligan

Yexel Sebastian ipinagtanggol ang sarili kaugnay ng P200-M investment scam, kaligtasan ng pamilya nalagay raw sa alanganin kaya umalis ng Pilipinas

Rendon nag-sorry kay Chot Reyes matapos basagin bilang coach ng Gilas: ‘Dahil sa iyong sakripisyo at katapangan nanalo ang Pilipinas!’

Read more...