Yexel Sebastian ipinagtanggol ang sarili kaugnay ng P200-M investment scam, kaligtasan ng pamilya nalagay raw sa alanganin kaya umalis ng Pilipinas

Yexel Sebastian ipinagtanggol ang sarili kaugnay ng P200-M investment scam, kaligtasan ng pamilya nalagay raw sa alanganin kaya umalis ng Pilipinas
DINIPENSAHAN ng toy collector at dating dancer na si Yexel Sebastian ang sarili sa kinasasangkutang isyu ukol sa P200-million investment scam.

Matapos lumabas ang balita na nakalabas na siya ng bansa kasama ang partner na si Mikee Agustin na kinumpirma rin ng Bureau of Immigration, nag-post ito sa kanyang Facebook account upang ipagtanggol ang sarili sa isyu.

Kamakailan lang nang may dumulog sa programa ni Sen. Raffy Tulfo upang ireklamo si Yexel dahil hindi na nila ito makausap matapos itong mag-invest ng P2 million.

Bukod pa rito, marami rin daw investors na karamihan ay Overseas Filipino Workers (OFW) ang nabiktima umano ng mag-partner.

At makalipas ang ilang araw buhat nang pumutok ang isyu ay naglabas na ng statement si Yexel upang depensahan ang sarili at pamilya.

“Siguro panahon na para ipagtanggol ko ang sarili ko at buo kong pamilya, ayaw ko sana magsalita dahil kahit magmukha kaming masama at basura sa buong Pilipinas ay tatanggapin ko maiayos lang ng malumanay at tahimik pero kabaligtaran ang nangyari naging sobrang ingay na.

Baka Bet Mo: Yexel Sebastian, Mikee Agustin trending dahil sa umano’y P200-M investment scam, lumipad papuntang Japan

“Pati kaligtasan namin ay nalagay na sa alanganin, masakit makita ang buong pamilya mo na umiiyak para sa kaligtasan namin ni Mikee and Zyph kaya palagay ko ito na ang tamang panahon,” saad ni Yexel.

Aniya, noong April 7, 2022, sumama sila sa ribbon-cutting event ng isang legit casino sa Clark, Pampanga.

Pagpapatuloy ni Yexel, “After [the ribbon-cutting] nagkaroon ng malaking event kung saan pinasalamatan ni Boss HP aka Hector Pantollana lahat ng matataas na tao sa casino at iba pang casino branches.”

“Legit ang Junket. Legit lahat ang tao at Legit ang Operation. Hindi ‘yan mapepeke nang kahit sino dahil hindi ka magkaka-branch sa isang casino na legal, para magka-junket kung illegal ito.”

Ito raw ang pagkakaalam nina Yexel at Mikee base sa mga nakita nila noong panahong iyon.

“Maraming saksi nyan at maraming tao ang nakita ako jan at si Mikee. Isa lang kami sa participants nun gabi nayan at alam ng lahat ng tao yan nun gabi nayun,” hirit pa niya na may pa-hashtag pang “#YexelangKatotohanan.”

Ngunit kinukuwestiyon pa rin ng mga netizens si Yexel sa comment section dahil sa haba ng sinabi nito ay wala naman siyang nabanggit ukol sa perang in-invest sa kanila o kung nasaan na ang kinita ng mga nagrereklamo.

Samantala, nilinaw ng Bureau of Immigration na kaya malayang nakalipad papuntang Japan ang dalawa dahil sa kabila ng pagdulog sa senador ng nagrereklamong investor ay walang departure order at derogatory record ang dalawa kaya nakaalis sila ng bansa.

Kung sakaling may pormal nang magreklamo sa prosecutor’s office laban kina Yexel at Mikee ay maaari namang maglabas ang National Bureau of Investigation (NBI) ng look-out bulletin ng dalawa.

Related Chika:
Michael Flores nawalan ng milyones matapos ma-scam: ‘Gusto lang naman namin kumita kahit paano yung perang pinaghirapan namin’

Yassi umaapaw ang blessings; masaya at nag-eenjoy sa business at investments

Read more...