Anne Curtis eleganteng sinopla ang basher na pumuna ng kanyang ‘bunganga’: I was born and blessed with these lips

Anne Curtis eleganteng sinopla ang basher na pumuna ng kanyang 'bunganga': I was born and blessed with these lips
CLASSY as ever pa rin ang naging atake ng Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis sa pagsagot sa isang basher na pumuna ng kanyang labi.

Nitong Sabado, October 7, kakauwi lang ng “It’s Showtime” host mula sa Paris Fashion Week at excited na makipag-usap at kulitan sa kanyang mga followers sa X (dating T).

“Are peeps still awake at this hour?” tweet ni Anne.

Sa kabila ng late nang pagpo-post ng TV host-actress ay marami pa ring nag-reg sa kanya.

Ngunit sa kabila ng mga maayos na reply ay kapansin-pansin ang isang netizen na hindi maganda ang sinabi kay Anne.

“MEDYO PAPANSIN TONG BIG LIPS NA TO. KULANG NALANG IPA SURGEON MO YANG BUNGANGA MO,” saad ng netizen.

Baka Bet Mo: Anne Curtis inokray ng netizens sa GMA Gala 2023, nagmukha raw ‘lumpiang shanghai’ sa suot na gown

Hindi naman ito pinalagpas ni Anne ngunit kahit na hindi maganda ang sinabi ng netizen ay elegante at poise pa rin ang kanyang naging resbak.

Sey niya, hindi niya kailangan ng surgeon sa kanyang bibig.

“Hindi ko kailangan ng surgeon or any doctor dahil I was born and blessed with these lips or Bunganga as you say,” saad ni Anne.

Marami naman sa mga netizens ang rumesbak para sa “It’s Showtime” host.

“Jusko ung basher ni Anne-ing 😅 di nya alam sanay na si @annecurtissmith sa mga ganyang biruan at laitan kapag BUNGANGA na nya ang topic. Trademark na ni Anne ang BUNGANGA nya. Go Dyosa!” sey ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “This awesome Beauty Queen mom can run a full marathon, I wonder if the basher can run a 3km.”

“Minsan lang patola si Anne sa mga bashers pero wag ka hahahaha!” hirit naman ng isa.

Sa ngayon ay burado na ang naturang tweet ng basher.

Related Chika:
Anne Curtis naiyak dahil sa Mini Miss U contestant: It was so innocent and pure

Vice Ganda sa boses ni Anne Curtis: Parang korapsyon, ‘di namin gusto…

Read more...