Anne Curtis naiyak sa birthday message ni Vice Ganda: Winner na winner ka! | Bandera

Anne Curtis naiyak sa birthday message ni Vice Ganda: Winner na winner ka!

Therese Arceo |February 18,2023
facebook
share this

Anne Curtis naiyak sa birthday message ni Vice Ganda: Winner na winner ka!

Therese Arceo - February 18, 2023 - 05:48 PM

Anne Curtis naiyak sa birthday message ni Vice Ganda: Winner na winner ka!
HINDI mapigilan ng TV host-actress na si Anne Curtis ang maging emosyonal sa mga naging birthday greetings sa kanya ni Vice Ganda.

Nitong Huwebes, February 17 ay ang ika-38th birthday ng aktres at nagkaroon nga siya ng birthday production number sa kanyang Kapamilya noontime show na “It’s Showtime”.

Matapos ang performance ni Anne ay isa-isan namang nagbigay ang kanyang mga co-hosts ng kanilang mga mensahe at wishes para sa nag-iisang dyosa.

Ngunit hindi napigilan ng aktres ang mapaluha nang marinig ang mensahe ng isa sa kanyang malapit na kaibigan at itinuturing na sisteret na si Vice Ganda.

Sa una nga ay biniro pa ng Unkabogable Star si Anne upang mapatawa siya ngunit naging seryoso rin ito pagkatapos.

“Happy happy birthday. Isa kang malaking source of happiness sa napakaraming tao. May instant ngiti kapag nandyan ka kahit wala ka pang ginagawa. ‘Yung mga kabaliwan mo, ‘yung mga tanga-tangahan moments mo, ‘yung mga lutang-lutangan moments mo, biling bili namin. Ang laking tulong no’n,” lahad ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Ikinuwento pa nga ng komendyante na may mga pagkakataong sinasabi sa kanya ng kaibigan na kibakabahan ito at hindi alam ang gagawin ngunit palagi niya itong pinapakalma at sibasabihang wala itong dapat gawin dahil enough na ang presensya niya.

“Isa ka sa mga masuwerteng tao na hindi mo kinakailangang may patunayan at gawin dahil mahal ka nila agad. Mahal ka agad. ‘Yun ka. Ang dali dali mong mahalin. Ang dali dali mong gustuhin,” sey pa ni Vice kay Anne.

“Di ba nga ‘yung boses mo gustong gusto nila. Mayroon kang certain charm na ikaw lang. Wala silang pinapayagan na kumanta ng ganoon, ikaw lang. Kapag may nasisintunado galit sila, pero pag ikaw kumakanta, tanggap nila. Lulunok tapos magdarasal na lang,” biro pa niya.

Ngunit damang-dama naman ang sinseridad ni Vice sa mensahe niya kay Anne nang banggitin na nito ang ultimate dasal niya para sa kaibigan kung saan kasama rin ang mga mahal nito sa buhay.

“Kasi kapag ok ang daddy mo, masaya ka. Pag ok si Carmen masayang-masaya ka. Pah ok si Jasmine, panatag na panatag ka. Lalong lalo na pag ok si Dahlia, wala ka nang problema. Pag ok si Erwan, okay na nag mundo mo.

“Alam kong ‘yung mundo mo sa kanila na nakatutok at sila talaga ang biggest sources of joy mo… I hope and I pray na ok sila, payapa sila, healthy sila, at maligaya sila fahil kapag nangyari ‘yun, winner na winner ka!” sey ni Vice kay Anne.

Labis naman ang pasasalamat ng TV host-actress sa lahat ng mensahe sa kanya ng mga kaibigan at pati na rin sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

Related Chika:
Anne inasar-asar ni Vice dahil sa viral ‘irap at taas-kilay’ video: Kung ako siguro ang gumawa nu’n, na-bash na ‘ko!

Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime: See you madlang people!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anne Curtis inilantad na rin ang tunay na ‘kulay’ sa politika

Anne Curtis, Sarah Geronimo magbabalik pelikula na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending