Melai Cantiveros ibinandera ang magiging role sa isang Korean movie: Sobrang best blessing ever ito ni Lord

Melai Cantiveros ibinandera ang magiging role sa isang Korean movie: Sobrang best blessing ever ito ni Lord

IBINANDERA ng Kapamilya TV host-actress at comedienne na si Melai Cantiveros ang kanyang role sa kauna-unahang niyang Korean movie.

Ngayong araw, October 10, ibinahagi nito ang isang larawan na kuha noong nagsyu-shooting sila sa South Korea kalakip ang ilang detalye ng pelikula sa kanyang Instagram post.

“Guys matagal kona gus[tong] ishare [ito] sa inyu at ito naaaa mashashare kona sa wakas. Papakilala ko lang sarili ko ako si #MaamChief at [your] service Na tinutukoy ko sa post ko na shooting sa Korea,” pagbabahagi ni Melai.

Pagpapatuloy pa niya, “And talaga naman Thank you Lord sa @pulpstudiosph sa tiwala sa akin na bumida sa first ever movie ko na shinoot sa ibang bansa, [sa] Koreaaaa. Kamsamiiiiiii.”

Matatandaang noong July 2023 nang lumipad si Melai kasama ang buong pamilya niya papuntang South Korea base na rin sa kanyang mga naging viral Instagram stories.

Maliban sa pamamasyal, isa sa mga rason niya sa pagpunta sa ibang bansa ay ang pag-shoot ng pelikula.

“Sobrang best blessing ever tu ni Lord s aakin,” hirit pa ni Melai.

Biro pa niya, “Amazing ang experience nmin [talagang] One for the Books? Or One of the books?? Kayu nalang bahala total matatanda namn na kayu.”

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros nakauwi na sa bansa kasama ang buong pamilya mula sa Korea trip

 

Ipinakita rin ni Melai ang ilang mga larawan ng behind-the-scenes mula sa paggawa ng pelikula.

Ang naturang pelikula ay ang kauna-umahang film prokdcy ng Pulp Studios sa direksyon ni Kring Kim.

“Soon “Maam Chief ” in theaters,” habol pa ni Melai.

Base sa latest IG post niya ay kasama rin niya sa Korean movie sina Sela Guia, Dustin Mayores, Enzo Almario, Jennica Garia, Alora Sasam at Bernadette Allyson.

Marami naman ang nagbigay mg suporta at congratulatory messages para sa bagong project ni Melai.

“Grabe excited nako sobrang ano bayan di ko maipaliwanag nararamdaman ko momshie dabest ka nakakaproud momshie mels deserve mopo mag ka movie ng ganyan! Dabest!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Wow!I cannot wait excite na me sa movie nimo am sure sobrang nakakatawa toh.Congrats Dai Melai!”

“From manifesting in the dressing room to this! Manonood kami Momshie, yay!!” sey naman ng isa.

Wala pa namang binanggit si Melai kung kailan nga ba mapapanood ang pelikulang pagbibidahan.

Related Chika:
Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng ‘hiwalayan’ issue, ano nga ba ang totoo?

Melai Cantiveros nag-ala Taylor Swift, hirit sa madlang pipol: Bakit pa pupunta sa Singapore?

Read more...