Lovely Abella ipinatikim kay Benj Manalo ang 'gatas ng ina', masarap naman daw at lasang buko | Bandera

Lovely Abella ipinatikim kay Benj Manalo ang ‘gatas ng ina’, masarap naman daw at lasang buko

Ervin Santiago |October 10,2023
facebook
share this

Lovely Abella ipinatikim kay Benj Manalo ang ‘gatas ng ina’, masarap naman daw at lasang buko

Ervin Santiago - October 10, 2023 - 12:21 AM

Lovely Abella ipinatikim kay Benj Manalo ang 'gatas ng ina', masarap naman daw at lasang buko

Lovely Abella at Benj Manalo kasama ang kanilang baby

GINAGAWA ng Kapuso actress na si Lovely Abella ang lahat dumami lang ang supply ng kanyang breast milk para sa bagong silang niyang anak.

Pero kung minsan daw ay sumosobra talaga ang gatas na lumalabas sa kanyang dibdib dahil sa pag-inom at pagkain na pagparami ng breast milk.

Sa isa niyang social media post, inamin ni Lovely ang pagpapainom niya ng na-pump na breastmilk sa kanyang pinakamamahal na mister.

Napanood namin ito sa isang TikTok video kung saan mababasa ang caption na, “Masakit sa ating mga mommies pag walang napproduce na milk para sa mga anak natin.

“Kaya lahat gagawin at iinumin dumami lang ang milk supply,” sabi pa ng Kapuso actress-entrepreneur na isa na ngayong certified padede mom.

Baka Bet Mo: Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?!

Paliwanag ni Lovely, kesa naman daw itapon, ipinainom na lang niya ang sobrang gatas kay Benj.

“Nanghihinayang kasi talaga ako dito. Wala pang 1 oz ‘yong aking milk.


“So alam naman natin na sa mga mommies, very… parang luxury na ang milk na ito sa atin kaya iinumin na lang ng asawa ko,” esplika pa ni Lovely.

Mapapanood nga sa video na kahit tila nagdadalawang-isip ay tinikman pa rin ni Benj ang gatas ng kanyang misis.

“Go dad. Sayang naman,” ang sey ni Lovely sa kanyang asawa. At nang matikman na ni Benj ang gatas, parang okay naman dahil at kalasa raw ito ng buko.

Nauna rito ay ibinahagi ni Lovely ang nakuhang impeksyon matapos manganak, “Bawat Pamilya ay may kanya kanyang pinagdadaanan sa buhay!

“Isa na po kami dito, maraming nagtatanong sa amin kung ano ang nangyari kaya para isahan na lang sasagutin ko po dito, napakasakit sa pamilya namin ang mga nangyayari, lalo na sa akin.

“After 4 days nagkaroon ako ng infection at need ko isurgery ulit mas malala pa nung nanganak ako ng normal, kung tatanungin niyo ako paano nangyari, saan nanggaling, bakit nagkaroon ako ang sagot ko lang po ay walang may gusto na mangyari ang lahat ng to,” pagbabahagi ng aktres.

Candy may nakakalokang karanasan nang tamaan ng COVID-19; umiiyak habang kausap ang doktor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lovely Abella naimpeksyon matapos manganak, muling naospital para magpaopera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending