Heaven ‘yes na yes’ sa Dyesebel; makakalaban ang K-Drama superstar na si Song Hye Kyo sa Asian Academy Creative Awards 2023

Heaven 'yes na yes' sa Dyesebel; makakalaban ang K-Drama superstar na si Song Hye Kyo sa Asian Academy Creative Awards 2023

Song Hey Kyo at Heaven Peralejo

MARAMI kaming nababasang request ng fans na sana’y si Heaven Peralejo ang mapili ng ABS-CBN na magbida sa bagong version ng “Dyesebel.”

Dahil sa mga sexy photos ng aktres sa kanyang Instagram page ay may mga nagsasabing kering-keri niya ang gumanap na Dyesebel sa gagawing remake ng Kapamilya network.

Nakachikahan namin si Heaven sa presscon na ibinigay sa kanya ng Viva Artists Agency last Friday, October 10, para sa pagkakapili sa kanya bilang representative ng Pilipinas sa Best Actress in A Leading Role category sa 2023 Asian Academy Creative Awards.

Dito nga namin naitanong sa dalaga kung ano ang reaksyon niya sa mga humihiling na sana’y siya na ang susunod na lalangoy bilang Dyesebel na huling ginampanan ni Anne Curtis.


Tatanggapin ba niya sakaling sa kanya i-offer ang nasabing proyekto, “Wow! Oo, naman. Bakit tayo tatanggi? Napakagandang project nu’n.

“Sasabihin ko sa inyo kapag nangyari na. Pag-pray natin. I-manifest natin!” ang bahagi ng pahayag ni Heaven.

Samantala, isa sa mga makakalaban ni Heaven sa pagka-best actress sa 2023 Asian Academy Creative Awards for her performance sa “Nanahimik Ang Gabi” ang South Korean superstar na si Song Hye Kyo para naman sa K-drama revenge series na “The Glory”.

Sey ni Heaven, isang achievement na para sa kanya ang ma-nominate alongside Song Hye Kyo sa taunang AACA 2023 na magaganap sa December 6, sa Singapore, dahil fan na fan siya ng aktres.

“Medyo naiisip ko, mape-pressure ba ako? Dapat hindi kasi si Song Hye Kyo, to be nominated alongside her, sobrang laking step na yon.

Baka Bet Mo: Juday umiyak nang bongga nang mapurnada ang pagganap na sirena sa ‘Dyesebel’

“Kasi pinapanood ko lang siya sa The Glory. Parang isa ako sa mga fans niya. Kung maibigay sa akin yung award, sobrang pasalamat ko kay Lord.

“Pero kung hindi, to be nominated alongside Song Hye Kyo and the other actors, grateful na ako,” aniya pa.

Ano ang naging reaksyon niya nang malamang siya ang national winner sa Best Actress category ng Asian Academy Creative Awards? “Umiyak ako dahil sa happiness hanggang tawagan ko si Mom. It’s like finally, finally.

“Hindi ko nga naging dream ito. I never dreamt of getting recognized internationally kasi parang hindi ko naman level yon.


“Pero ngayong I was recognized, wow, sobrang nili-limit ko pala yung sarili ko. Dapat pala hindi. I should believe in myself. Ako dapat yung unang naniniwala sa sarili ko. So, yun ang naging thinking ko noong mga panahon na ‘yon,” sabi pa ng rumored girlfriend ni Marco Gallo.

“Finally, I am getting recognized with my work. Siguro hindi ko rin makukuha ang awards na ito kung hindi dahil sa mga aktor na kasama ko.

“Sabi nga nila, you won’t have a great film if you don’t have great actors. So, hindi lang ako ang nandoon, kaming tatlo yon,” ani Heaven patungkol sa kanyang mga nakatrabaho sa “Nanahimik Ang Gabi” na sina Ian Veneracion at Mon Confiado.

“Dahil sa kanila, lumabas yung kung ano ang kaya kong ibigay so grateful talaga ako. Gusto ko lang makasama yung buong production, gusto ko lang magpasalamat.

“And I’m recognized with this award so kailangan galingan ko pa lalo. Hindi ako puwedeng maging petiks lang. Alam ko na marami pa akong kailangan ayusin. Marami pa akong kailangan baguhin,” pahayag pa ni Heaven Peralejo.

Kristine Hermosa binansagang ‘Song Hye Kyo’ ng Pilipinas, hirit ni Oyo Boy: Pakasalan kita dyan eh

#Anyare: Carla Abellana, Tom Rodriguez in-unfollow sa IG ang isa’t isa, naghiwalay na nga ba?

Read more...