Maureen Wroblewitz nakisali sa 'National Boyfriend Day', ibinandera na si Noah Steinbuch sa publiko | Bandera

Maureen Wroblewitz nakisali sa ‘National Boyfriend Day’, ibinandera na si Noah Steinbuch sa publiko

Therese Arceo |October 05,2023
facebook
share this

Maureen Wroblewitz nakisali sa ‘National Boyfriend Day’, ibinandera na si Noah Steinbuch sa publiko

Therese Arceo - October 05, 2023 - 11:43 PM

Maureen Wroblewitz nakisali sa 'National Boyfriend Day', ibinandera na si Noah Steinbuch sa publiko
PROUD na ibinandera ng model-beauty queen na si Maureen Wroblewitz ang kanyang boyfriend na si Noah Steinbuch.

Nakisabay ang dalaga sa pagpase-celebrate ng National Boyfriend Day nitong Martes, October 5 sa pamamagitan ng pagpo-post ng short video clips ng kulitan at lambingan nilang dalawa sa kanyang Instagram story.

“happy bf day [heart emoji],” caption ni Maureen sa unang video clip na in-upload niya.

Kung ibabase sa post ng kanilang frenny na si Marc Nelson ay nasa beach ang mga ito sa Batangas.

Matatandaang June 2023 nang ibahagi ni Maureen sa kanyang post na “in love” siya kalakip ang larawan na nakangiti habang nakahalik sa kanya ang lalaking hindi kita ang mukha sa camera.

Aniya, siya ang “luckiest girl in the world” dahil sa pinaparamdam sa kanya ng lalaki sa larawan.

Baka Bet Mo: Maureen Wroblewitz may pa-soft launch ng bagong dyowa: I’m the luckiest girl in the world

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Happy birthday to the one that makes me feel like i’m the luckiest girl in the world. Not only because you are kind, patient, understanding with the most beautiful heart and soul but most importantly, because your gentle love teaches me how I can love myself more everyday [heart emoji],” saad ni Maureen.

Wala pang diretsang pag-amin ang dalaga kaya todo hula ang madlang pipol kung sino ang lalaki.

Ngunit mukhang ready na si Maureen na makilala ng publiko ang dyowa dahil tuluyan na niyang ibinandera ang kanilang relasyon ni Noah.

Samantala, ang kanyang ex-boyfriend na si JK Labajo ay nananatiling single buhat nang maghiwalay sila noong June 2022.

Sa bagong inilabas na album nito sy mapapansin ang malalim nitong hugot at base na rin sa singer/songwriter, ang mga kanta ay isinulat niya para sa taong sobra niyang pinahalagahan.

Hindi naman malinaw kung ang taong tinutukoy niya ay ang dating dyowang si Maureen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Maureen Wroblewitz umaming inaatake pa rin ng depresyon: It’s OK not to be OK…

Maureen Wroblewitz may ‘trauma’ sa nakaraang relasyon: I wasn’t loved the way I wanted to be loved

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending