Maureen Wroblewitz trending matapos ang pa-'soft launch', mga Marites nag-imbestiga | Bandera

Maureen Wroblewitz trending matapos ang pa-‘soft launch’, mga Marites nag-imbestiga

Therese Arceo - June 22, 2023 - 10:37 PM

Maureen Wroblewitz trending matapos ang pa-'soft launch', mga Marites nag-imbestiga

MATAPOS ang tila pa-“soft launch”, palaisipan na ngayon sa mga netizens kung sino nga ba ang bagong nagpapatibok sa puso ni Maureen Wroblewitz.

Kaya naman todo hanap ang mga netizens ng mga “bakas” upang matunton nila kung sino ba ang maswerteng lalaki.

Ngunit hati ang pananaw ng netizens kung sino nga ba ang lalaki sa Instagram post ni Maureen.

May ilan na nagsasabing na baka raw nagkabalikan na sila ng singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo dahil may pagkakahawig raw ito sa binata.

May nagsasabi rin na baka ang lalaki sa larawang ipinost ni Maureen ay si Brandon Melo.

Si Brandon ay ang leading man ng beauty queen sa pelikulang “Take Me To Banaue”. Makikita rin sa Instagram page nito ang mga larawan nila together.

Baka Bet Mo: Maureen Wroblewitz may ‘trauma’ sa nakaraang relasyon: I wasn’t loved the way I wanted to be loved

Ang isa naman ay ang model na si Noah Steinbuch na may lahing Pinoy at nakabase sa Los Angeles, California.

Chika ng mga netizens, noong araw na nag-flex si Maureen ng larawan ay birthday rin daw ng modelo.

Narito ang mga komento ng mga netizens:

“it’s @noahsteinbuch thank me later.”

“Notice how the guy in the picture has a small hoop earring @noahsteinbuch has it.”

“hindi naman kase yan ang tinutukoy ko si noah ang jowa nya ene be.”

“noah yan, costar nya lang si brandon.”

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon si Maureen ukol rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Maureen Wroblewitz may pa-soft launch ng bagong dyowa: I’m the luckiest girl in the world

Maureen Wroblewitz may bago na nga bang dyowa, balak ipakilala sa madlang pipol ‘when the time is right’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending