Grabe ang natanggap na pamba-bash ng wifey ni Chito Miranda nang ilabas niya sa social media ang nasabing menu dahil ayon sa mga mommy, hindi raw makatotohanan ang ginawa niyang meal plan.
“Because open na open naman sa social media, a lot of people naman parang ‘opinyon ko ‘to eh’ so parang, hindi kasi ako nag-fo-focus sa kanila.
“But okay, kagaya ng sinabi ko sa isang interview medyo old post na ‘yon bago may nilabas sa gobyerno, so they just used it,” pahayag ni Neri sa panayam ng ABS-CBN.
“And before Miggy (anak nila ni Chito) pa, ginagawa ko na ‘yong meal plans, and marami namang mga followers ko na alam ‘yong mga sinasabi ko.
“Hindi ko lang inilagay ‘yung disclaimer before because I was just, unang-una, 2:30 a.m. na yata ko ginawa ‘yon kasi nag-Canva-Canva pa ‘ko and all, parang inayos ko talaga siya.
“Hindi lang ako naglagay ng disclaimer but sa mga old post ko, mayroon siya,” dagdag pa ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, “Regarding sa mga negative na sinasabi sa ’kin, you know what, ang dami-dami nang sinabi sa ’kin, ang dami nang binato sa ’kin, ang dami nang memes or ang daming mga negative ano, but I’m still here, I’m okay.
“And naka-focus kasi ako sa mga followers ko na natutulungan ko… Kagaya nga ng tinatanong mo paano na-ba-budget, paano na-ma-manage ‘yong oras namin bilang wife, bilang mommy, and bilang negosyante. So, do’n lang ako naka-focus. Kung tatanungin, I’m okay,” lahad pa ng tinaguriang wais na misis.
“Sa lahat naman ng mga taong naniniwala sa ’kin, sobrang thankful and hindi ko alam na sobrang laki pala niya. Nakaka-receive lang ako ng mga messages, ayoko na banggitin kung sino ‘yong mga tao na parang ‘nag-chat sa ’kin si ganito’, parang bakit ka mine-message?
“Parang nagulat lang ako na ganoong siya kalaki, ‘yong concern ng mga tao. People who understand, and people who follow my social media, alam nila kung ano ‘yong ginagawa ko,” aniya pa.
Ibinahagi pa niya ang naging pag-uusap nila ni Chito noong kasagsagan ng pambabatikos sa kanya, “They understand, and sobrang heartwarming na sabihin na natin ‘yong sinasabi ni Chito na ‘cruel world’ but at the end of the day you need ‘to mag-focus sa mga taong who support you, and sa mga tao na naniniwala sa ’yo, ‘yung positive lang.
“Wala naman nang nagtatanong sa akin, hindi na ako sumagot. Hinahayaan ko lang ‘yong asawa ko do’n kasi siyempre, trabaho niya in a way na ipagtanggol ako pero we’re okay,” sey niya.
Dagdag pa ni Neri, “I’m so happy na maraming nakaka-appreciate sa akin bilang mommy, bilang negosyante, bilang maybahay, homemaker. Nakakatuwa kasi nagpo-focus kami sa community na nagtutulungan ‘yong mga kababaihan.
“Doon ako naka-focus, eh. If ever meron akong ginagawang negosyo, iniisip ko kung paano tayo mas makakatulong.
“And of course, may mga endorsement tayo, kapag nagbibigay sa akin ng mga products so sine-share ko talaga ‘yan sa mga mommies din,” paliwanag pa ni Neri Miranda.