Korean vlogger malaking tulong sa pakikipaglaban ni Claudine sa mental health problems: ‘I’m preparing myself for a new battle’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Claudine Barretto at Stephanie Soo
HANGGANG ngayon ay inaatake pa rin ng matinding anxiety ang aktres at celebrity mom na si Claudine Barretto.
Open book naman ang pagkakaroon ni Claudine ng mental health problems na nagsimula raw noong 2002, na siya ring taon nang mamatay ang boyfriend niyang aktor na si Rico Yan.
Na-diagnose siya ng anxiety disorder matapos magpakonsulta sa isang psychiatrist, kasabay ng pagkakaroon ng severe panic attacks.
Sa pamamagitan ng Instagram account, ibinahagi nga ng aktres na nakararanas pa rin siya ng anxiety kaya naman ginagawa niya ang lahat para mapaglabanan ang kanyang health issues.
Sa kanyang post, nabanggit ni Claudine na napakalaki ng naitulong sa kanya ng panonood ng true crime videos mula sa YouTube channel ng American-Korean vlogger na si Stephanie Soo.
“As someone who is dealing with Anxiety every day is a battle u don’t know about. lately I’ve been a little bit down probably bcoz in the months ahead I’m preparing myself for a new battle.
“I just want to thank all of my Claudinians & even non Claudinians, netizens who don’t know me but are Kind & compassionate.
“I just want to thank someone I have never met, but has helped me when I feel down.This woman is Stephanie Soo @missmangobutt,” ang bahagi ng caption ni Claudine sa kanyang IG post.
Pagpapatuloy pa niya, “When I’m lonely I watch her VLOGS. It’s not the content that drew me to admire her but how she delivers them.
“U can see her true compassion (one that u cannot FAKE) I’m an actress so I know what’s real. she is always Smiling, laughing, has an amazing AURA.
“I hope u know that watching u so Positive makes me want to b like that.
“I hope u can follow her Claudinians so she too can touch [your] hearts the way she has touched mine. Godbless you Stephanie continue shining,” aniya pa.
Matatandaang kamakailan ay nagkasakit si Claudine na siya mismo ang nagsabing “nakakahawa” raw kaya naman niregaluhan daw siya ng kanyang sisteraka na si Gretchen Barretto.
Marami ang nagtanong sa aktres kung totoo ang chika na magkaaway na naman sila ni Greta dahil hindi na siya nagbibigay ng updates tungkol sa kanyang ate sa social media.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinost ni Claudine ang iniregalo sa kanya ni Gretchen na bagong iPad. Ito raw ang pagpaparamdam ni Greta ng pagke-care sa kanya.
Ayon kay Claudine, may sakit daw kasi siya kaya gusto siyang pasayahin at i-spoil ng kanyang ate.
Kalakip ang litrato ng natanggap niyang gadget mula kay Gretchen ay ang pagpapasalamat niya rito, “Shout out to my Ate Gretchen. Yay ive a new ipad. she gave me the Best ipad with the Pen & keyboard.
“Im sick & Sad today & she just wanted to SPOIL ME AS ALWAYS. thank u my Ate. i luv u su mats,” aniya pa.
Ilang sandali pa lang ang nakalilipas ay muling ibinahagi ng aktres sa kanyang IG ang regalo sa kanya ni Gretchen at sa caption ay nabanggit niya na meron siyang “nakakahawang” sakit.
Sabi pa ni Claudine, hindi raw siya sanay makatanggap ng regalo dahil madalas ay siya ang nagbibigay ng mga gift.
Sey ni Claudine, “Shout out to my Ate Gretchen for my New Ipad & keyboard and Pen. I’m soo spoiled.
“She cant take care or visit me coz im nakakahawa so she surprised me with these instead. im not used to be the person given gifts its always me giving gifts. except my Ate Gretchen.
“When she finds out i need something or my cellphone or ipad is not updated she will always gift me without me saying.
“Thank u so much to my Ate.youre the sweetest. pls pray for my speedy recovery,” mensahe ng aktres.