Ruby Ruiz nakakalokang bida-kontrabida sa ‘Langitngit’; Viva bombshell Manang Medina game na game na sa hubaran, palaban pa sa aktingan
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Manang Medina, Ruby Ruiz at iba pang cast members ng ‘Langitngit’
HINDI namin in-expect na maganda at may sense pala ang latest offering ng Vivamax, ang psycho-sex-thriller na “Langitngit.”
May katuturan at kailangan talaga sa kuwento ang mga sex scenes na ginawa ng mga bida sa movie na sina Manang Medina (unang napanood sa Lagaslas) at Itan Rosales (bumida sa Kamadora). Pasado rin sa amin ang akting nina Manang at Itan.
In fairness, shookt kami sa naging takbo ng kuwento ng “Langitngit” kung saan pwedeng-pwedeng ma-nominate at manalong best actress ang veteran star na si Ruby Ruiz na gumaganap bilang si Manay Flor.
Fun fact muna – nagpakitang-gilas din si Ruby sa Hollywood 6-episode TV series na “Expats” kung saan nakasama niya niya si Nicole Kidman. Isang OFW ang role niya sa nasabing serye.
At ito pa ang bongga, hindi raw talaga nagpapa-picture ang Hollywood actress sa kanyang mga nakakatrabaho pero mismong si Nicole pa raw ang nag-request na mag-selfie sila.
At kung mapapanood ni Nicole si Ruby sa “Langitngit” siguradong mas bibilib at mapapanganga siya sa performance ng veteran star. Siya ang perfect example ng pagiging bida-kontrabida.
Naku, sure na sure kaming masa-shock sila sa mga pinaggagawa sa pelikula ni Ruby Ruiz. Sabi nga namin after ng ginanap na special screening kamakailan, hindi imposibleng mabigyan din siya ng international awards tulad ni Dolly de Leon.
Sa mga mahihilig sa mga sex scenes at mga madugo at bayolenteng eksena, hindi kayo mabibigo sa “Langitngit” dahil bukod sa matitinding love scenes nina Manang at Itan, grabe rin ang ginawa sa kama ni Itan at ng baguhang Vivamax bombshell na si Zia Zamora.
Agaw-eksena rin ang beteranang aktres na si Aurora Yumul, ang kubang si Doreng, na kasambahay ni Manay Flor na siyang nakakaalam ng lahat ng lihim ng matandang mananahi.
Iikot ang kuwento ng “Langitngit” kay Layla (Manang Medina), isang call center agent na nangungupahan sa isang lumang bahay na pagmamay-ari ni Manay Flor (Ruby Ruiz), isang matandang relihiyosang babae. Kasama rin nila sa bahay ang apo ni Manay Flor na si Popoy, na gagampanan naman ni Itan Rosales.
Sa pagtira nila sa iisang bubong, magkakausap at magkakamabutihan si Layla at Popoy at mauuwi rin sa pagsi-sex ng dalawa.
Magpapatuloy ang kanilang relasyon at mga sexcapades pero isisikreto nila ito at itatago kay Manay Flor. Ang hindi nila alam ay matagal na pala silang minamanmanan nito, sumisilip sa mga butas ng pader, nakikinig sa bawat impit na ungol at sigaw na ginagawa nina Layla at Popoy.
Naniniwala rin si Manay Flor na masamang impluwensya si Layla kay Popoy at sugo rin ito ng demonyo na magdadala ng malas sa kanila ng kanyang apo. Susubukan nitong paghiwalayin ang dalawa at itataboy si Layla.
Ang kakaibang ugali na ‘to ni Manay Flor ay may mas ilalala pa pala at ang madidiskubre ni Layla tungkol sa tunay na pagkatao at kwento ng matanda ay higit na mas nakakagimbal at nakakabahala.
Ang Vivamax Original Movie na ito ay mula sa direksyon ni Christopher Novabos, ipakikita naman nina Manang Medina at Itan Rosales sa pelikula ang nag-uupapaw nilang charm at sex appeal.
Magmasid-masid sa paligid, pakinggan ang bawat kaluskos at nakakabinging katahimikan, baka may nag-aabang na kababalaghan. Panoorin ang “Langitngit”, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong October 6.