Lala Sotto inaming ‘no effort’ na makipag-usap sa kanila si Vice Ganda: No form of coordination or cooperation with us

Lala Sotto inaming 'no effort' na makipag-usap sa kanila si Vice Ganda: No form of coordination or cooperation with us

“NO effort, no dialogues, no form of coordination or cooperation with us,” ito ang sagot ni MTRCB Chairperson Lala Sotto nang tanungin kung nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan nila at ng “It’s Showtime” staff or host na si Vice Ganda at ng partner nitong si Ion Perez.

Baka raw kasi gumaan ang parusa ng MTRCB kung sakaling nag-reach out ang mga taga-“It’s Showtime” habang pinag-uusapan ng 30 members kung ano ang magiging desisyon ng bawat isa.

At nabanggit nga na sa 30 members ay 27 ang nagsabing idinay ang motion for reconsideration at 3 naman ang humindi.

Sinagot din ni Chairperson Lala ang isinisigaw ng bashers niyang mag-resign na siya sa MTRCB.

“I’m not going to satisfy the whims of my detractors,” diretsong sabi ng hepe ng nasabing ahensiya.

Baka Bet Mo: Lala Sotto umalma sa mga pambabatikos na natatanggap: Being a Sotto or my father’s daughter should not be taken against me

 

Sa sinasabing masyadong ‘harsh’ ang desisyon ng MTRCB sa 12-day suspension ng It’s Showtime.

“We gave them four warnings, seven dismissed cases, how many warnings are we supposed to issue, how many memos are we supposed to send?” sagot ni Ms Lala tungkol dito.

Dagdag naman ni Atty. Paulino Cases bilang chairman ng adjudication committee, “I may add do’n sa harshness may mga gustong i-cancel na ‘yung noontime show, merong six months at may one-year, so which is harsh? We don’t want to entertain those suggestions, the board decided on its own, we don’t want to be persuade, so I don’t know what is harsh.”

Sa one-on-one interview kay Ms. Lala ay natanong kung napag-uusapan nila ng Daddy niyang si former Sen. Tito Sotto habang magkakaharap sa dining table ang tungkol sa isyu ng “It’s Showtime”.

“You know what, it’s nothing like that… My parents, my siblings, my titos, my cousins they’re all used to it, so, nagiging joke na lang,”sagot ng MTRCB chairperson.

At inamin din ni Lala na hindi lang siya sa “It’s Showtime” nag-inhibit maging sa “E.A.T.” na umeere sa TV5 at sa “Eat Bulaga”  ng GMA 7.

“In any noontime shows issues, I made sure that I inhibited myself in all the adjudication processes, so, wala rin ako nakukuwento sa kanila when it comes to that and it’s not something I can discuss as I’ve said earlier that’s why we assigned Atty. Cases, the chairman of adjudication committee to take over on this matter.”

Samantala, puring-puri ng MTRCB chief ang aktor na si Coco Martin na bida sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil nu’ng nagka-problema raw tungkol sa Muslim scenes na kinol-awt ng netizens during the pilot week ng programa ay kaagad nagtungo sa opisina niya ang aktor/direktor para humingi ng sorry at nangakong hindi na muling mangyayari o kaya’y mag-iingat na sila.

Matatandaang kasama ni Coco na nagpunta sa MTRCB office ang Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal na namamahala ng “BQ” at ABS-CBN Chief Operating Officer na si Ms. Cory Vidanes.

“Wala talaga kaming masasabi kay Coco, I’m such a fan,” sabi pa ni Ms Lala.

Sa tsikahan pa ay sobrang na-appreciate ni Ms Lala si Yorme Isko Moreno na isa sa host ng “Eat Bulaga” dahil kinikilala nito ang MTRCB dahil laging nagpapaalala sa co-hosts niya kapag may mga nababanggit na hindi dapat mapanood o marinig ng mga nanonood lagi na kapag Strong Parental Guidance o SPG.

Nag-“no comment” naman si Chairperson Lalas a tanong namin na na baka kaya hindi humingi ng dispensa sina Vice at Ion ay dahil may nagpayong wala raw silang kasalanan o nilabag sa tungkol sa icing incident.

Related Chika:
Joey de Leon pinagmumura ng netizens dahil sa ‘lubid’ joke sa ‘E.A.T.’, MTRCB kinalampag: ‘Galaw, galaw Lala Sotto!’

Rendon Labador kay MTRCB Chair Lala Sotto: Tatay o Pilipinas?

Read more...