Kathryn pinagbigyan ang male fan na mag-selfie matapos makitang halos ipagtulakan ng marshall sa mall tour | Bandera

Kathryn pinagbigyan ang male fan na mag-selfie matapos makitang halos ipagtulakan ng marshall sa mall tour

Alex Brosas |September 26,2023
facebook
share this

Kathryn pinagbigyan ang male fan na mag-selfie matapos makitang halos ipagtulakan ng marshall sa mall tour

Alex Brosas - September 26, 2023 - 07:10 AM

Kathryn pinagbigyan ang male fan na mag-selfie matapos makitang halos ipagtulakan ng marshall sa mall tour

Kathryn Bernardo

MARAMI ang humanga sa kabaitan ni Kathryn Bernardo nang magkaroon siya ng mall tour for her latest movie “A Very Good Girl”.

In one video that we saw sa internet, nakita namin kung paanong magmahal si Kathryn sa kanyang mga fans.

May isa kasing guy ang gustong magpa-selfie with Kathryn. Lumapit siya sa stage at ang kasunod ay biglang umeksena ang isang marshall.

Halos ipagtulakan nito ang binata.  Nakita iyon sa video, walang kawala ang kabastusan ng marshall.

Kathryn saw the commotion at siya na ang sumenyas sa marshall na okay lang makalapit sa kanyang ang male fan. She asked the fan kung ano ang gusto nito and in an instant ay inilabas niya ang kanyang tablet para makapagpa-selfie sa dyowa ni Daniel Padilla.

Ang daming pumuri sa ginawang iyon ni Kathryn.

“Maganda na mabait pa gnyan dapat Ang artista d pakitang tao.”

“Aww so touching. That’s why i love Kathrine talaga!”

Baka Bet Mo: Alexa Ilacad super excited nang mag-show sa US: Actually nakaempake na ako, promise! I’m not kidding!

“Pareho sila ni DJ magtrato ng mga fans nila.”

“Napakabait na bata kaya lalong bini blessed ni Lord  stay sweet & humble.”

Napapansin namin lately, parang ang babastos ng mga security marshall, ha! Parang ang feeling nila ay mga hari sila.

Hindi nga ba’t kamakailan lang ay nag-viral ang video ng paghawi sa kamay ng National Artist na si Ricky Lee nang kamayan ito ni Pia Wurtzbach sa isang book event. Kitang-kita ang pambabastos ng marshal kay Ricky sa video na kumalat.

Ayun, nag-sorry pa si Pia dahil sa nangyari, imbes na ‘yung security marshall ang gumawa noon.

Dapat yata magkaroon ng reorientation ang mga security marshall on how to handle people. Parang ang feeling nila ay siga-siga sila.

Geneva mas lalong humanga kay Sunshine mula nang maghiwalay sila ni Cesar: Nakakabilib!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending