Gab Valenciano durog na durog ang puso sa pagkamatay ni Vader: ‘Till we meet again my baby bear prince’
WASAK na wasak ang puso ngayon ng director-choreographer na si Gab Valenciano dahil sa pagpanaw ng kanyang alagang aso na itinuring na talaga niyang parang tunay na “anak.”
Inilabas ng anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan ang kanyang saloobin sa pamamaalam ni Vader sa pamamagitan ng Instagram.
Nag-share si Gab ng mga litrato nila ng Vader kalakip ang mensahe niya para sa pinakamamahal na pet dog. Aniya sa caption, “There really are no words but I will try.
“My heart is shattered. There is a very deep sense of pain and sadness looming over me now that you’re gone, but I will choose to focus on the years of pure joy you gave me, my family and my loved ones.
Baka Bet Mo: Gab Valenciano sa mga Pinoy: Hangga’t may nangangailangan, tuloy ang laban…hanggang dulo!
“You were a very, very good boy through and through and you helped me power through the darkest seasons of my life,” pagbabahagi pa ni Gab.
Inilarawan pa nga niya ang kanyang 4-year-old pet bilang “sweetest and kindest” companion na naging karamay niya sa hirap at sa ginhawa, lalo na noong kasagsagan ng paglaban niya sa mental health problems.
“To call myself ‘lucky’ would be an understatement; he was a blessing beyond definition. A one in a billion dog that made my days very happy ones.
“To those who loved and cared for him through the years, from the bottom of my heart thank you,” lahad pa ni Gab.
Sa huli, nagbigay siya ng farewell message para sa namatay na alagang aso, “Vader, I loved you then, I love you now and will love you multiple lifetimes over. Till we meet again my baby bear prince.”
“Vader Valenciano. Oct 25, 2018 – Sept 22, 2023,” ang nakasaad pa sa caption ng kanyang IG post.
Nakiramay at nakisimpatya naman kay Gab ang kanyang mga social media followers, kabilang na nga riyan ang mga kapamilya niya.
“VADER (crying heart emojis). Love you kuys,” ang komento ng sister niyang si Kiana Valenciano.
“This made me cry son,” ang mensahe naman ng kanyang inang si Angeli. Dugtong pa niya, “I love you so much and can feel your grief. We had to pack pa to go to Calgary…. Thank God Papa and I were with you.”
Kasalukuyang naka-base si Gab sa Los Angeles, California at doon bumubuo ng bagong buhay.
Gab Valenciano diagnosed bilang pre-diabetic; nais maging better para sa sarili
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.