VICE kailangang mag-ingat, nanganganib kay JOEY PARAS | Bandera

VICE kailangang mag-ingat, nanganganib kay JOEY PARAS

Ervin Santiago - October 24, 2013 - 03:00 AM

NAKAKALOKA! As in grabe pala talaga sa kalokahan at kadramahan ang bagong pelikula ni direk Wenn Deramas, ang launching movie ng magaling na gay character actor na si Joey Paras – ito ngang “Bekikang: Ang Nanay Kong Beki”.

Napanood namin ang pelikula sa ginanap na premiere night last Tuesday night sa Megamall cinema 6 , at isa lang ang masasabi namin – mukhang may makakaagaw na nga si Vice Ganda sa trono at korona bilang phenomenal box-office star.

Kung bibigyan lang ng pagkakataon ng mga Pinoy moviegoers si Joey Paras, tiyak na tatabo rin sa takilya ang “Bekikang”, bukod kasi sa napakaganda ng kuwento nito (binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board), talagang iiyak ka sa katatawa sa mga eksena ni Joey kasama ang kanyang mga sidekick – ang patok na tandem ng mga gay stand-up comedian na sina Lassy at Atak.

In fairness, mula simula hanggang ending ng movie halakhakan at tilian ang mga manonood, lalo na sa mga okrayan at balahuraan scene  nina Joey, Lassy at Atak, at siyempre sa mga kilig moments ni Bekikang at ng leading man niyang si Tom Rodriguez.

Hindi kasi pilit ang mga eksena nila, may nagsabi pa nga na hindi nagpakabog ang loveteam nina Joey at Tom sa tambalan nina Tom at Dennis Trillo (na present din sa premiere night bilang suporta kay Tom).

At siyempre, napakaswerte ni Joey dahil sinuportahan talaga siya ng naglalakihang celebrities sa local showbiz, tulad nina Maricel Soriano, Iza Calzado, Janice de Belen at Dingdong Dantes. Kaloka ang role ni Dong sa movie, ha! Hindi namin kinaya ang pag-apir niya sa huling bahagi ng movie. Ha-hahaha!

Magagaling lahat ng artista sa “Bekikang”, lalung-lalo na si Joey na ang galing ng timing sa comedy at winner din ang kanyang mga drama momemts.

Tama nga ang sabi ni direk Wenn, may puso ang pelikula at talagang maiiyak ka sa katatawa at tatawa ka naman sa kakaiyak! Markado rin dito ang mga role nina Tirso Cruz III, na gumanap na tatay ni Joey, at ang child star na si JM Ibanez na gumanap namang “anak” nina Joey at Tom.

Kasali rin sa movie produced by Viva Films sina Carla Humphries, Nikki Valdez, Malou de Guzman at marami pang iba. Showing na ito ngayong araw sa mga paborito n’yong sinehan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending