Super Tekla umamin, gumanti sa taxi driver na dinadaya umano ang metro niya pero…

Super Tekla umamin, gumanti sa taxi driver na dinadaya umano ang metro niya pero...
INAMIN ng komedyanteng si Super Tekla na minsan na siyang tumawa ng kalokohan sa isang taxi driver.

Sa segment ng kanyang show na “The Boobay and Tekla Show” na ipinalabas noong Linggo, September 17, kumasa sa isang laro ang komedyante kasama ang co-host niyang si Boobay pati na rin ang mga guests nila mula sa “Divas of Queendom” na sina Rita Daniela, Jessica Villarubin, at Thea Astley.

Ang naturang game ay pinamagatang “What Da Fact” kung saan may babasahing interesting facts ang dalawang hosts at huhulaan nila kung sino sa kanilang lima ang tinutukoy sa bawat statement.

Dapat rin ay magkunwari sila Boobay, Tekla, Rita, Jessica, at Thea na hindi sila ang tinutukoy para hindi mabuking at mas maging exciting ang game.

Masayang nagbibiruan at naghuhulaan ang lima sa mga nabanggit hanggang sa umabot na sila sa Fact. No. 3.

“Fact No. 3: Hindi nagbayad sa taxi kaya naghintay at pumara ng iba. Pero ang pinara niya ay ang taci na tinakbuhan niya,” pagbabasa ni Boobay. Maririnig pa nga na nagsa-side comment si Tekla matapos marinig ang pangatlong statement.

Tila alam naman ng apat kung sino ang tinutukoy sa Fact. No. 3 at nagkaisa kung sino ang ituturo.

Baka Bet Mo: Donita Nose sinukuan na ang friendship nila ni Super Tekla: ‘Desperado na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya’

“Tekla!” sabay sabay na sigaw ng apat.

Siya lang ang naiiba sa lahat dahil ang sagot niya ay si Jessica kaya tinanong sita ni Boobay kung bakit ito ang sagot niya.

“Mukha pa lang ni Jessica hindi na nagbabayad ‘yan,” nakangiting sabi ni Tekla.

Hindi nga nagkamali ang apat dahil tama ang kanilang sagot.

“Let me explain. Ganito kasi ‘yun, di ba dati uso ‘yung metro nila may butingting. So parang ang bilis ng— may daya. From Parañaque to Quezon City, usually ang binabayad ko, P200-P300 lang. Sa kanya, nasa Quezon Ave pa lang kami, P600 na,” kwento ni Tekla.

Dagdag pa niya, “Kaya ang ginawa ko, ‘A dinadayaan mo ako, ha. Dadayaan din kita’. Pagdating namin ng Laffline, bumaba ako. ‘Manong kukuha lang ako ng pamasahe ha?’ Pagpasok ko ng Laffline, may labasan doon sa likod. Doon ako lumabas. Tatakasan ko siya kasi ang set ko sa Punchline. Ayaw ko namang maglakad. Para rin P50 na lang babayaran ko.”

Ngunit pagpara niya ng bagong taxi ay ang tinakasang driver rin ang nakuha ni Tekla.

Ang ginawa raw ng driver ay ibinalik siya ng driver sa comedy bar na pinagbabaan niya at pinahiya siya doon.

Chika pa ni Tekla, hindi lang niya isang beses ginawa ang pagtakbo sa mga taxi driver.

Samantala, kamakailan ay napabalitang sinukuan na ng kanyang partner sa vlogging na si Donita Nose ang kanilang pagkakaibigan matapos ng ilang pagkakataon na ayusin ito.

Related Chika:
Boobay: Wala akong nakitang tamad si Super Tekla, hindi rin siya nale-late

Super Tekla may babala kay Donita Nose: Para kang latang kinakalawang!

Read more...