HINDI na napigilang sumagot ang batikang aktres na si Sunshine Dizon sa isang netizen na tinawag siyang “laos” at binanggit pa ang kinakaharap niyang kasong estafa.
Nagbabala pa ang aktres sa basher na mag-ingat sa mga sinasabi nito lalo’t hindi nila alam ang buong istorya.
Sa isang tweet, makikita ang post ng Twitter user na nagngangalang @AngManonood at sinabi nga niya na mas sikat ngayon ang veteran actress na si Pinky Amador kaysa kay Sunshine.
“Poor Shine, nalaos talaga siya nung nag-try sya sa Ignacia,” sey ng netizen kung saan ang tinutukoy niya ay ang paglipat sa ABS-CBN.
Reply naman sa kanya ng aktres, “I’m happy for Tita Pinky. Not everyone in this business is after fame, dear.”
“May taong tulad ko na wala ng gustong patunayan. Masaya na ako that I’m able to create beautiful characters and be part of beautiful stories,” wika pa niya.
Baka Bet Mo: Sunshine Dizon kinukwestiyon pa rin ang sarili sa paghihiwalay nila ng asawa: Saan ako nagkulang?
Im happy for Tita pinky. why are you wasting your time on me? diba nga laos na ko sabi mo. Not everyone in this business is after fame dear may taong tulad ko na wala ng gustong patunayan masaya na ako that im able to create beautiful characters and be part of beautiful stories.
— Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) September 20, 2023
Kasunod niyan ay hindi pa nakuntento ang basher at inungkat pa ang estafa case ni Sunshine.
“‘Di ka lang pala nalaos, kung anu-anong kaso na rin pala ang nasasampa laban sayo?” pang-aasar ng Twitter user.
Ang sagot naman sa kanya ni Sunshine, “Be careful. You don’t know the whole story, baka madamay ka sa mga bagay na hindi mo gustuhin.”
Wala nang detalyeng ibinahagi ang veteran actress pero pinayuhan niya ang basher na, “Stop giving me your time and attention, dear. You’re making me relevant. Baka sumikat ako.”
Magugunita noong Marso lamang nang kinasuhan ang aktres maging ang kanyang business associate na si Jonathan Rubic Dy.
Inireklamo ang dalawa nina Rogelio Fonacier at Benedicto Padua na diumano’y nag-invest ng tig-P5 million sa dalawa para sa online sabong business.
Ayon sa salaysay ng mga nagrereklamo, offer daw ng dalawa na maaari silang maging “sole capitalist” ng lahat ng betting stations para sa Online Sabong Express sa kanilang lugar.
Gumawa pa nga raw sila ng iba’t ibang G-Cash accounts para sa betting stations sa Camarines Norte.
Nang maibigay na nila ang P10 million ay sinabihan raw silang bibigyan ng “mother account” kung saan maa-access nila ang G-Cash accounts ng betting stations at dito rin nila mamo-monitor ang lahat ng mga financial transactions sa online sabong.
Sabi pa raw nina Sunshine at Jonathan na tanging sila lang dalawa ang may access sa “mother account” at doon rin daw nila makukuha ang “two percent profit per month.”
Ngunit matapos nilang maibigay ang P10 million investment noong February 24, 2022 ay hindi raw tumupad sa usapan ang dalawa.
Base sa resolusyon ng Provincial Prosecution Service sa Daet, Camarines Norte, nagkakahalagang P66,000 kada isa ang bail na ipinataw kina Sunshine at Jonathan.
Bukod rito ay may dalawa pang hiwalay na kaso ang isinampa kay Jonathan para sa dalawang tumalbog na tsekeng inisyu niya at nagkakahalagang P240,000 ang ipinataw na bail para rito.
Related Chika:
NBI nilinis ang pangalan ni Luis Manzano, hindi isinama sa mga kinasuhan ng syndicated estafa