Sharon Cuneta kamping-kampi raw kay Kakie, sey ni Cristy Fermin: Nagpaliwanag siya pero ‘yung paliwanag parang kapos

Sharon Cuneta kamping-kampi raw kay Kakie, sey ni Cristy Fermin: Nagpaliwanag siya pero 'yung paliwanag parang kapos
NAG-REACT ang kolumnistang si Cristy Fermin hinggil sa nagdaang media conference ni Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang nalalapit na “Dear Heart” concert kasama ang dating asawang si Gabby Concepcion.

Sa kanyang showbiz program na “Cristy Ferminute” episode noong Lunes, September 18, ibinahagi niya ang kanyang opinyon hinggil sa isyu na kinakaharap ng mag-anak.

Napag-usapan kasi nila ng kanyang co-host na si Romel Chika ang pahayag ni Sharon kung saan sinabi nitong “I don’t play favorites” sa kanyang mga anak hindi tulad ng mga chikang kumakalat na mas paborito niya ang panganay kay dating Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie kesa sa anak nila ni Gabby na si KC Concepcion.

“Nagpaliwanag siya pero yung paliwanag parang kapos. Parang sa kanya bumalandra,” panimula ni Cristy.

Matapos nito ay binasa ng kolumnista ang komento ng kanyang isa sa mga listeners ukol sa isyu ng mag-iina at sinabing halata naman na mas pinapanigan ni Sharon si Kakie kaysa kay KC dahil nga kaugali nito ang anak.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta tinawag na ‘toxic’ ng isang netizen, pumalag: Kung ako kausap mo gamitin mo utak mo kung may konti pa

“Ako’y naniniwala na ang bawat ina talaga ay nagmamahal sa lahat ng anak. Totoo yun. Pero ito, hindi po maaaring ipagkaila ng maraming magulang na nakatutok sa atin ngayon, may mga pagkakataon po na meron tayong tinititigan at tinitignan lang,” saad ni Cristy.

Dagdag pa niya, “Meron tayong nabibigyan talaga ng sapat na atensyon at ‘yung iba kapag nagkukuwento, nagbubutong pakwan tayo… Alam ko mahal niya si KC. Alam ko ‘yun. Walang diskusyon na maaaring mamagitan sa amin kaya lang hindi po lahat sasang-ayon sa katwiran na mahal niya ang kanyang mga anak at mas malapit lang talaga siya kay Kakie,” sey ni Cristy.

Nasabi rin ni Romel na bagamat mahal ni Sharon ang lahat ng kanyang mga anak, may “leveling” daw ito at maaaring may mas nakakaangat sa kanyang pagmamahal.

Nabanggit rin ni Cristy na maski siya ay nakita niya kung paano pinalaki at inalagaan ng Megastar si KC na bitbit pa niya noon sa tuwing may taping siya at tumulong rin ang kanyang ina sa pagpapalaki sa apo.

Dito nga ay binanggit niya ang pag-unfollow ni KC sa asawa ni Sharon na si Kiko pati na rin kay Kakie.

Aniya, halata raw kung sino ang mas pinapanigan ng Megastar.

“Alam mo, yang unfollow unfollow issue na yan… Kitang-kita naman talaga na kinakampihan ni Sharon ang kanyang asawa at mga anak. Hay nako, bingi at bulag na lang ang hindi makakaisip ng ganun, diba?

Talaga naman eh. Kamping kampi naman talaga siya kay Kakie, kasi ang paliwanag niya sila ang magkasundo, diba? Manang-mana sa kanya,” sey ni Cristy.

Related Chika:
Sharon Cuneta super happy dahil kumpletong muli ang kanilang pamilya: First in a loooong time!!!

Sharon umiiyak ang puso sa muling pag-alis ni Frankie sa Pinas: ‘I cannot live without you, I love you…Thank you for being a good daughter’

Read more...