Mela Francisco ‘ginutom’ kaka-pangaral kay Steya na i-enjoy lang ang pag-aaral, hinangaan ng netizens

Mela Francisco 'ginutom' kaka-pangaral kay Steya na i-enjoy lang ang pag-aaral, hinangaan ng netizens
KINAGILIWAN ng mga netizens ang pangangaral ni Mela Francisco, panganay ni Melai Cantiveros sa kapatid nitong si Stella.

Viral ngayong ang ibinahaging video ng Kapamilya TV host-comedienne kung saan hinihikayat ng kanyang panganay ang bunso na huwag ma-pressure sa pag-aaral.

Bago pa kasi mag-viral ang naturang video nina Mela at Stella ay nababanggit na ni Melai ang takot ng bunso na kumuha ng exam dahil baka hindi niya ito masagutan.

Kaya naman pinayuhan ng panganay ang kapatid na i-enjoy lang ang pag-aaral at huwag masyadong i-pressure ang sarili.

“Perfect ka ba Steya o hindi? Perfect ka?” tanong ni Mela sa kapatid.

“Hindi ako perfect,” sagot naman ng bunso.

“Lahat ng tao hindi perfect… Lahat tayo hindi perfect. ‘Yung mga classmates mo rin,” dagdag pa ni Mela.

Dito ay binigyan niya ng payo ang kapatid kung paano ang dapat nitong gawin kapag may exam sa school at tila ibig ipahiwatig na huwag nang i-overthink kung masasagot ba niya o hindi ang mga tanong dahil ok lang ang magkamali.

Baka Bet Mo: Netizens umalma nang tawaging ‘mukhang unggoy’ si Melai ng anak, depensa ng komedyana: Joke-joke lang kasi ‘yun guys!

“Steya, hindi ka pinapagalitan. Sinasabi lang namin ikaw na huwag kang maging ganyan paglaki mo. Kasi kung paglaki mo Steya, puro ka iyak, wala kang friends,” sey ni Mela.

Pinagsabihan rin niya ito na huwag matakot sakaling umalis ang kanilang Ate Kath dahil paniguradong makikita rin naman niya ito sa bahay.

Sa huli ay marami naman ang natawa dahil tila nagutom si Mela sa kakapangaral sa kapatid kaya kumuha na ito ng biscuit sa kanilang pantry.

Labis naman ang pasasalamat ni Melai sa paggabay ng panganay sa kaniyang bunsong kapatid.

“Yung nagutom ka ,kakapangaral sa kapatid mo [emoji] pero Thank you Ate Mela for helping mama na ipaintindi kay Stela na di nya need ipressure sarili nya sa skul para maging perfect, basta nageenjoy kayu na matuto sa skul kahit na anung score kakayanin nyu masayang masaya na si Mama and Papa [emoji] love you both,” sey ng “Magandang Buhay” host.

Hindi rin maiwasan ng mga netizens ang mag-comment at purihin ang bata sa pagiging mabuting ate nito sa bunso.

“Ang kyut ni steya pag pinagalitan ng ate sarap niyo panuorin magkapatid good job ate mela,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Good Job Ate.. so behave naman Steya habang kinakausap ni Ate at Mama. Paiyak na din sana ako.. biglang natigil.. ahaha.”

“Ok na eh galing ni ate mela mag payo kaso laughtrip padin ending nagutom hahaha,” sey naman ng isa.

Hirit naman ng isa, “Hello po! I hope Stella also knows that it’s perfectly okay to cry and feel frustrated when she doesn’t get a perfect score. She looks like she studies hard and it’s normal to expect a perfect score. It’s okay to cry baby, but what’s not okay is throwing tantrums in public. I hope we can teach her how to better handle and process her emotions, not suppress them po.”

Related Chika:
Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: ‘Bigyan ng sariling show yarn!’

Melai sa bashers: ‘Hindi ako papayag na kung anu-ano sasabihin n’yo sa mga anak ko…kilala ko sila, madasalin ang mga yan’

Read more...