Francine, Seth inatake ng matinding nerbiyos habang ginagawa ang ‘Fractured’: ‘Nagmumura kami rito at sumisigaw’

Francine, Seth inatake ng matinding nerbiyos habang ginagawa ang 'Fractured': 'Nagmumura kami rito at sumisigaw'

Seth Fedelin at Francine Diaz (Photo from Instagram)

AMINADO ang Kapamilya loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin na inatake sila ng matinding nerbiyos nang gawin nila ang latest project nilang “Fractured.”

Ibang-iba kasi ang tema at kuwento nito kumpara sa mga past series nila together. Hindi lang kasi sila pa-tweetums at pa-cute rito kundi mas mature at mas seryoso.

Sa naganap na presscon at special screening ng “Fractured” na mapapanood na sa iWantTFC simula sa September 15, nabanggit nga nina Seth at Francine ang mga challenges na hinarap nila while shooting their new series.

“Nu’ng una po talaga kinabahan, kasi parang may kinukwestyon namin na pwede na ba ito? Pwede na ba tayo sa ganito? Kasi ‘yung ‘Fractured’ may pagka-mature na siya para sa amin na i-play ‘yung gano’ng roles,” ang pahayag ni Francine.


Sey naman ni Seth, “Kinabahan kami kasi nagmumura kami dito, sumisigaw. Malayo dun sa mga nagawa namin. Kaya pinag-isipan at pinagmitingan namin ni Francine kung okay lang magganito, okay lang mag-ganyan.”

Naniniwala rin ang tambalang FranSeth na malaking tulong ang “Fractured” para mas mapalawak at ma-improve pa ang kanilang acting skills.

Baka Bet Mo: Jodi inaatake ng nerbiyos sa unang pagtatambal nila ni Coco sa MMFF 2022: Kailangan ma-adjust ko ang oras ng tulog ko…

“Masaya kasi panibagong experience. Ay, kaya pala nating magmura sa acting. ‘Yung ganoong intensity ng acting,” sey pa ni Seth.

Samantala, sinabi naman ni Francine na kahit medyo mature na ang ginagawa niyang mga projects sa ABS-CBN ay hindi pa siya handang sumabak sa nga intimate scenes.


“In terms ng pagiging mature ng roles namin dito, nakakapagmura kami. Mas marami kaming adlibs and movements na gawin. Masasabi kong mature ‘yung roles namin sa pagsasalita. Pero kung intimate, hindi pa po,” sey ng dalaga.

Directed by Thop Nazareno, magpi-premiere na ang “Fractured” sa iWant app at sa YouTube channel ng Kapamilya Network sa September 15.

Makakasama rin dito sina Sean Tristan, Raven Rigor, Daniela Stranner, Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Jennica Garcia, Mylene Dizon at KaladKaren.

Francine Diaz, Seth Fedelin aminadong madalas na ‘may sariling mundo’ tuwing may event, magpapakilig sa panibagong serye

Belle inaatake pa rin ng matinding nerbiyos kapag sasabak sa mga eksena kasama si Donny; kinakarir ang pag-aaral ng feng shui

Read more...