Japanese horror movie na ‘Immersion’ pinagsama ang ‘real’ at ‘virtual’ world; alamin ang misteryo sa isinumpang isla

Japanese horror movie na 'Immersion' pinagsama ang 'real' at 'virtual' world; alamin ang misteryo sa isinumpang isla

Ilang eksena sa ‘Immersion’

NAKAKALOKA! Talagang napanaginipan namin ang ilang eksena sa Japanese horror film na “Immersion” pagkatapos namin itong mapanood nitong nagdaang Lunes.

Mahilig talaga kami sa mga horror-suspense movies kaya sumugod kami sa SM Megamall Cinema 2 para panoorin ang “Immersion” sa naganap na premiere night nito kamakalawa.

In fairness, na-enjoy naman namin ang naturang movie mula sa horror master ng Japan na si Takeshi Shimizu, ang direktor din ng “Ju-On: The Grudge” at iba pang “Grudge” franchise.

Ilang beses kaming napatili sa mga pasabog na panggulat ng “Immersion” at napaisip sa mga nakakalokang twists and turns ng kuwento na iikot sa paghihiganti ng isang babaeng hindi matahimik ang kaluluwa dahil sa ginawa sa kanya ng mga malulupit na kapitbahay.

Hanggang sa pag-uwi ay naiisip pa rin namin ang ilang eksena sa movie lalo na yung pagpapahirap at pananakit ng taumbayan sa babaeng sa tingin nila ay nakagawa ng mortal na kasalana.

Sa pelikulang ito, makaka-experience ang manonood ng nakakikilabot na pangyayari sa “real world” at sa “virtual world” kaya siguradong makaka-relate ang lahat ng manonood, lalo na ang mga Gen Z.

Bida rito si Daigo Nishihata ng boy idol group na “Naniwa Danshi” bilang si Tomohiko Kataoka.


Si Tomohiko ay isang dalubhasang scientist na inimbitahan ng pinuno ng isang Virtual Reality research team na samahan sila sa Abominable Island kung saan nagtayo sila ng “virtual space” at kailangan nila si Tomohiko para gawing mas maganda ang proyektong ito.

Tulad ng ilang isla sa Japan, ang Abominable ay tahanan ng mga may kapangyarihan at ang mga tao doon ay naniniwala sa mga alamat tulad ng “Imajo”.

Ito ay tungkol sa isang babaeng pinatay nang karumal-dumal at nagbabalik ang kanyang kaluluwa para maghiganti.

Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate Fumiya Sankai pasok sa listahan ng ‘100 Respectable Japanese’

​Nang simulan na ni Tomohiko ang trabaho at isuot ang goggles para sa virtual reality machine, nabalot siya ng kadiliman sa virtual world, at may babaeng biglang sumulpot.

​Samantala, ang mga empleyado ng kompanya ng virtual reality na nagpunta sa isla ay namatay nang sabay-sabay. Iisang paraan, parehong araw at oras, pero iba-ibang lugar.

Ano kaya ang koneksyon nito sa “imajo”? Paano malulutas ang misteryo? Sino ang makakatakas sa sumpa sa isla?

Ang “Immersion” ay ginawa sa Amami Oshima island, at ang kwento ay magkatulad sa alamat ng sumpa ng Yanchu na tungkol sa mga alipin na nagbenta ng kanilang sarili sa mga mayayaman at isang babae ang pinaslang.

Dahil dito mas lalong nakakakilabot ang dating ng pelikulang “Immersion” na siguradong magugustuhan ng mga horror movie lovers.

Kasama ang actress-model na si Mizuki Yamamoto (The Fable series at Threads – Our Tapestry of Love), at Rina Ikoma (mula sa idol group Nogizaka46), huwag palampasin ang “Immersion” na showing na ngayon sa mga sinehan.

Kira Balinger, LA Santos naranasang mag-MRT, tricycle papunta sa ‘trabaho’, mas tumaas ang respeto sa mga OFW

Enchong kinailangan pang sumabak sa ‘immersion’ kasama ang mga PWD bago mag-invest sa Academy Of Rock

Read more...