Megan na-trauma sa The Grudge: Takot ako sa multo, hindi ako nanonood ng horror movies | Bandera

Megan na-trauma sa The Grudge: Takot ako sa multo, hindi ako nanonood ng horror movies

Ervin Santiago - October 07, 2019 - 12:05 AM

“TAKOT talaga ako sa multo, kaya hindi ako nanonood ng horror movies!”

Yan ang inamin ni Megan Young nang makachikahan ng ilang members ng press sa taping ng horror-suspense-drama series ng GMA 7 na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Ayon sa Kapuso actress-beauty queen, napakahirap palang gumawa ng isang horror series, “Actually, it’s a really interesting journey, kasi hindi ko in-expect na ganito ka-intense yung taping namin.

“Physically, emotionally, mentally drained ka talaga the whole time. It’s my most challenging show as a whole, dahil sa horror aspect na ang dami kasing shots na kukunan minsan kahit na… di ba, minsan, may crying scenes na, ‘Ah basta, isang take lang yan!’

“Ito, hindi. Dahil may mga horror, minsan, iiyak ka ‘tapos dadaan si Naomi (ang naghihiganting multong karakter ni Kris Bernal) sa likod mo, parang you have to do it over and over again. And I’m not complaining but it’s just, I didn’t expect, ‘Oh my gosh, ganito pala sa horror!’

“Pero in a TV show, since you don’t have the luxury of time, so iyon, kaya iyon ang journey ko basically. And it’s been tough but exciting and I really enjoy doing it,” kuwento ng dalaga na gumaganap naman bilang si Yvie, ang asawa ni Rayver Cruz playing Matteo.

Ayon kay Megan, never pa siyang nakakita ng multo sa buong buhay niya, “At huwag naman sana akong multuhin. Ha-hahaha! Takot ako sa multo. Actually, hindi ako nanonood ng horror.”

Ironic nga raw dahil sa isang horror show siya napapanood araw-araw pero hindi siya fan ng mga katatakutang pelikula, “Kaya nga, e. Pero hindi talaga ako nanonood. Kasi nu’ng bata ako, di ba iyon yung uso noon, yung horror films, like The Grudge, si Chucky (Child’s Play)?”

“Napanood daw ko yung The Grudge, tapos, after nu’n, ayoko na,” natatawa pang chika ni Megan.

Samantala, marami pa raw dapat abangan sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko lalo na ngayong nahuli na ni Yvie na magkasama sa isang kwarto at parehong nakahubad sina Matteo at Katya (Kim Domingo). Wala siyang kaalam-alam na sumanib na sa katawan ni Katya ang kaluluwa ni Naomi para akitin at landiin ang kanyang asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano nga ba mapatutunayan ni Matteo na hindi niya pinagtataksilan ang asawa? Hanggang kailan sila lilinlangin ni Naomi gamit ang katawan ni Katya? Ayon kay Megan, magugulat ang manonood sa mga susunod na pasabog ng HSDNBK na napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending