Fans nagtilian sa love scene nina Jane at RK sa ‘Us Again’
Dinumog ng fans at ilang celebrities ang ginanap na premiere night ng latest Regal Entertainment movie na “Us Again.”
Bentang-benta sa mga nakapanood ng pelikula ang mga kilig moments at intimate scenes ng lead stars na sina Jane Oineza at RK Bagatsing, huh!
Todo sigawan ang fans nang magdampi na sa isang eksena ang kanilang mga labi hanggang sa may mangyari na nga sa dalawang bida na mas ikinatili ng manonood.
Kung natural na natural ang acting ni RK, hindi naman nagpahuli si Jane. Magaling siya sa kabuuan ng movie na kakaiba rin ang naging atake sa pagtataksil.
Unang movie ito ni direk Joy Aquino at marami agad ang nagalingan sa pagkakabuo niya ng “Us Again.” Nabigyan niya ng justice ang kuwento at tema nito na iikot sa pagkakaibigan at tunay na pagmamahal.
Nang mapanood din namin ang movie, humanga rin kami sa galing ni Direk kaya hindi na rin kataka-taka na todo papuri sa kanya ang Regal executive na si Roselle Monteverde, huh!
Showing na ngayon ang “Us Again” sa mga sinehan nationwide.
Samantala, bago ang screening ng movie ipinalabas muna ang trailer ng horror movie na “The Missing” na kinunan pa sa Japan at idinirek ni Easy Ferrer.
Very Japanese horror film ang pagkakagawa nito, huh! At sa trailer pa lang ay sigawan na agad ang mga tao sa loob ng sinehan. Bida rito sina Miles Ocampo at Joseph Marco.
Samantala, sa premiere night ng “Us Again” present din ang isa sa binatang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimwell.
Ang chika sa amin, mukhang umaaligid ito ngayon sa baguhang young actress na si Sarah Edwards na isa sa cast ng pelikula nina Jane at RK.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.