Jodi inaatake ng nerbiyos sa unang pagtatambal nila ni Coco sa MMFF 2022: Kailangan ma-adjust ko ang oras ng tulog ko... | Bandera

Jodi inaatake ng nerbiyos sa unang pagtatambal nila ni Coco sa MMFF 2022: Kailangan ma-adjust ko ang oras ng tulog ko…

Ervin Santiago |September 15,2022
facebook
share this

Jodi inaatake ng nerbiyos sa unang pagtatambal nila ni Coco sa MMFF 2022: Kailangan ma-adjust ko ang oras ng tulog ko…

Ervin Santiago - September 15, 2022 - 07:05 AM

Jodi Sta. Maria at Coco Martin

NGAYON pa lang ay inaatake na ng nerbiyos ang award-winning Kapamilya actress na si Jodi Sta Maria sa unang pagkakataong magkakasama sila ni Coco Martin sa isang pelikula.

Sila ang bibida sa 2022 Metro Manila Film Festival entry na “Labyu With An Accent” under Star Cinema kung saan si Coco rin ang magiging direktor.

“Yes oo. Hindi ko alam. Actually kasi siguro mas kinakabahan,” ang pahayag ni Jodi sa panayam ng ABS-CBN.

Actually, ilang beses nang nagkasama sina Coco at Jodi sa pictorial at TV commercial shoot para sa mga ineendorso nilang produkto pero ito ang unang pagsasama sa isang acting project.

“May isang beses na nagkasama kami ni direk sa pictorial and then of course siyempre magtatrabaho kami hindi lang bilang artista, pero magiging director ko siya. 

“So I had to ask questions talaga ano ‘yung working style niya, kasi siyempre kailangan kong mag-adjust doon.

“Ultimo kung anong oras ba siya nagigising, para alam ko kung anong oras ba kami dapat nasa-set makapag-prepare at ma-adjust ko ang tulog ko,” sey ni Jodi sa nasabing interview.

Sabi pa ng premyadong Kapamilya actress, magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya sa nalalapit na shooting nila ni Coco at looking forward din siyang ma-experience ang style ni Coco bilang direktor.

“Tulad nga ng sabi niya na buhay ang istorya so hindi siya nakakahon which means na there will be time and moments na ‘ito ang scene, sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin as your character and then magbatuhan na lang tayo.’ 

View this post on Instagram

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


“So, parang ako ‘yung, ‘oh that’s nice’, kasi at the same time nakakakaba,” chika pa ni Jodi
Dagdag pa niya patungkol sa directing style ni Coco, “Ako naman ang training ko sa industry was sobra akong naka-stick sa script naman, ‘yun kasi ang training ko na babasahin ko tapos ‘yung mga lines, lalagyan ko ng kung anong emosyon dito and underlying context nito. 

“Pero wine-welcome ko rin ang challenge to be working with the kind of style na as direk Coco has,” sabi pa ni Jodi.

Iikot ang kuwento ng “Labyu With An Accent” sa karakter ni Gabo played by Coco na isang masipag na binata at isang OFW sa Amerika na si Trisha na gagampanan ni Jodi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa US kukunan ang ilang highlights ng movie kaya lilipad ang cast at production patungo roon sa unang linggo ng Oktubre.

Jodi inatake ng ‘psychological sepanx’ after ng lock-in taping sa Baguio: ‘Nasa real world na ba ako?’

Beatrice Gomez umaming inatake ng nerbiyos sa Q&A ng 2021 Miss U: But I believe I did well

Paolo inatake ng nerbiyos sa ‘Bubble Gang’ revamp; mas maraming pasabog sa bagong version

Kris Bernal inaatake ng ‘sepanx’ matapos sumabak sa ‘nakakalokang’ lock-in taping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending