Jean Garcia may technique kapag nanampal: 'Ang sinasabi ko sa kaeksena ko ‘wag gagalaw, kapag umilag kasi tatamaan sa tenga, masakit!' | Bandera

Jean Garcia may technique kapag nanampal: ‘Ang sinasabi ko sa kaeksena ko ‘wag gagalaw, kapag umilag kasi tatamaan sa tenga, masakit!’

Ervin Santiago - September 12, 2023 - 02:01 PM

Jean Garcia may technique kapag nanampal: 'Ang sinasabi ko sa kaeksena ko ‘wag gagalaw, kapag umilag kasi tatamaan sa tenga, masakit!'

Jean Garcia

MAY technique pala ang award-winning Kapuso actress na si Jean Garcia kapag kailangan niyang manampal ng mga kaeksena sa teleserye at pelikula.

Tatlong dekada na si Jean sa mundo ng showbiz at hanggang ngayon ay aktibung-aktibo pa rin siya sa larangan ng pag-arte, lalo na sa mga drama series ng GMA 7.

Sa nakaraang guesting ni Jean sa “Fast Talk with Boy Abunda”, naikuwento niya ang kanyang istilo kapag gumaganap siyang kontrabida at kung paano niya pinaghahandaan ang mga confrontation scenes lalo na ang mga sampalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon kay Tito Boy, grabe ang paghanga niya kay Jean bilang artista dahil kering-keri nitong maging bida at magkontrabida.

Sey naman ni Jean, sa 30 years niya sa showbiz industry, never nawala ang pagmamahal at ang kanyang passion sa acting.

“Kung ano ang ibinibigay nilang role sa akin, pinag-aaralan ko ‘yon,” sey ni Jean na gumaganap na nanay ni Barbie Forteza sa latest Kapuso primetime series na “Maging Sino Ka Man” kasama si David Licauco.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia nakalimutan ang sarili nang magkapamilya: ‘Dapat nu’ng nag-asawa ako nag-aayos pa rin ako, kasi parang nawala na siya sa isip ko’

Para kay Jean ang pagiging kontrabida ang pinakamasarap gawin bilang aktres, “Kasi exciting siya. Puwede mo siyang paglaruan.”

At pagdating nga sa mga sampalan scenes, ingat na ingat daw siya dahil ayaw niyang masaktan ang co-actor niya.

“Unang-una dapat wala kang accessories. Kailangan tatanggalin mo kasi ayaw mong aksidenteng masasaktan mo sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Tapos kailangan sukat mo. Kasi hindi naman pupuwede kapag sinampal ka, dito, masakit ‘yon,” ani Jean sabay turo sa mukha ni Tito Boy.

“Masakit din sa kamay mo kasi para kang nanuntok, eh. So dapat, ang sampal, ito (dampi sa mukha). So dapat, sukat mo yan,” aniya pa.

Dagdag pa ni Jean, “Ang sinasabi ko lang sa co-actor ko, ‘wag kang gagalaw, ‘wag mong i-expect yung aking sampal. Kasi pag in-expect mo ‘yung sampal ko, kapag nauna ‘yung ilag mo, tatamaan ka sa tenga, masakit.”

Aniya pa, may mga pagkakataon na iniiba niya ang timing ng pagsampal sa eksena niya na wala sa script para mas maging natural ang reaksyon ng artistang sasampalin niya.

Inamin din ni Jean na kahit beterana na siya sa showbiz ay takot din siyang masampal sa eksena.

‘Heartful Café’ trending sa Twitter worldwide; Julie Anne may ginamit na bagong technique sa akting

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jean Garcia may ‘cryptic quote’ kasabay ng muling pagbabalikan nina Jennica at Alwyn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending