Anak ni Sexbomb Izzy super proud drag queen: ‘Wala siyang judgment kahit anong pagpapa-sexy ko! Get! Get! Aw!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Andrei Trazona at Sexbomb Izzy
MARAMING humanga sa katapangan at pagpapakatotoo ng drag artist na si Sofia o Andrei Trazona sa tunay na buhay.
Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay Sofia, siya ay anak ng isa sa mga original member ng iconic all-girl group na Sexbomb Girls na si Izzy Trazona.
In fairness, mukhang proud na proud naman si Sexbomb Izzy sa kanyang anak na gumagawa na rin ng sariling pangalan niya sa mundo ng mga drag queen na kilala na nga ngayon bilang si Sofia.
Sa isang post niya sa Instagram, mapapanood ang kanyang introductory video. Pagpapakilala niya, “Hi, my name is Sofia. I am 21 years old, and I am the SexBomb legacy.”
“Tinawag po akong SexBomb royalty kasi ang ganda ko. Chareng. De, kasi po ano, anak po ako ni SexBomb Izzy,” barong chika ni Andrei.
Sabi pa niya, wala silang naging isyu na magnanay tungkol sa pagsabak niya sa pagiging drag queen, “Actually, surprisingly, super supportive niya when it comes to my craft.
“Kasi nga nakita niya na din na super nag-e-enjoy ako lalo na yung bumibili ako ng mga gamit, gan’on,” dagdag pa ni Sofia.
“Wala siyang judgment kahit anumang pagpapa-sexy ko (sa pagpe-perform) at ano, pagpapa-show off ko ng skin. Super support siya,” aniya pa.
Tungkol naman sa kanyang drag identity, “Si Sofia, she’s not the thinnest of them all, she’s not the sexiest. But her fantasy is siya yung pinaka-sexy out of them all.”
Sigurado namang magmamarka sa audience ang kanyang mga performance on stage. Paglalarawan pa niya sa mga pasabog niyang dance number, “Very dancey, that’s first.
“Second is dancey pa din, pero sexy dances. Sa chair, very like musical dance. Very SexBomb, actually,” ani Sofia sabay sigaw ng pinasikat na linya ng SexBomb na, “Get! Get! Aw!”
Isa si Andrei sa mga sumali sa drag competition na “Bunganga Battle Royale”, “To be honest, gusto ko and kailangan ko ng experience since kaka-start ko palang mag-drag.
“And I know na malaki yung mabibigay sa akin itong improvement ng competition,” aniya pa.