Chris Wycoco
NAKAKA-INSPIRE talaga ang success story ng fashion model at event host na si Chris Wycoco na namamayagpag na ngayon bilang may-ari ng sarili niyang kumpanya sa Amerika.
Isa lamang siya sa napakaraming Filipino dreamer na nagdesisyong magtungo sa US para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Pero kahit na nga umaariba na ang buhay sa Amerika matapos matupad ang kanyang American dream, hindi pa rin nakakalimutan ni Chris na sumuporta sa mga special gathering at invitation ng mga kapwa Filipino doon, kabilang na ang pagrampa sa mga fashion shows
Isa rin siyang magaling na host kaya naman palagi siyang nagkakaroon ng mga shows sa iba’t ibang bansa.
Kamakailan lamang ay siya ang nagsilbing host sa Miss Earth beauty pageant na ginanap sa tatlong state sa Amerika. Siya rin ang opisyal na host ng America Excellence Award ngayong 2023.
Samantala, napakalaki ng naitutulong ni Chris sa mga kababayan nating nagtatrabaho at naninirahan na sa Amerika sa pamamagitan ng kanyang company na Wycotax, LLC.
Sa pabago-bagong regulasyon at batas ng buwis sa US, palaging nababahala ang mga residente at negosyo sa kung paano ima-manage ang usapin tungkol sa buwis upang ito ay maging tama at accurate.
At para huwag na itong isipin pa ng mga nakararami, sila ay kumokonsulta na lamang sa mga kompanyang bihasa sa usaping buwis tulad ng Wycotax, LLC, upang mas mapabilis ang kanilang pagpa-file ng tax.
Isa sa mga pangarap ni Chris ay tulungan ang mga Pilipinong naninirahan sa US sa pag-aasikaso sa kanilang mga tax-return at siguraduhing tumpak ito para maiwasan ang pag-aalala na may mga pagkakamali sa pag-audit ng IRS.
Ang company ni Chris ay nagbibigay ng mga napapanahong payo, abot-kayang serbisyo, personalized na pagtulong mula sa mga Tax Professionals, secure na pagbalanse mula sa mga totoong eksperto sa buwis at bookkeeping, at komprehensibong pagbibigay ng solusyon sa mga kinakaharap na problema tungkol sa buwis.
Baka Bet Mo: JaMill pinuntahan ng taga-BIR sa bahay: Inaasikaso na po namin ngayon sa tamang paraan
Isa sa mga pangunahing bentahe ng paggamit ng mga serbisyo tungkol sa taxation mula kina Chris ay ang pagkakaroon ng access upang komonsulta sa grupo ng mga eksperto sa buwis.
Nag-aalok din sila ng mga personalized na diskarte sa pagpaplano ng buwis upang matulungan ang mga kliyente na proactive na i-manage ang kanilang mga pananagutan sa buwis.
Sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang sitwasyon at layunin pinansiyal, matutukoy ng kumpanya ang mga potensyal na pagkakataon na makatipid ng buwis.
Ang pagpapagawa ng plano sa Wycotax sa usaping taxation ay magiging malaking tulong upang pangmatagalang makatipid sa buwis at makatitiyak din ang mga kliyente na ang kanilang mga tax return ay naihain nang accurate at nasa oras, bawas problema at nauunang iwasan ang mga posibleng suliranin sa tax.
Janno nilektyuran ng abogado: Kahit wala kang trabaho, nagbabayad ka pa rin ng buwis, makamema ka, wagas!
Message ni Aicelle Santos sa bashers: You’re very welcome to unfollow!