Marco Gumabao nakikita ang ina kay Cristine Reyes: ‘Alam mo Love, parehong-pareho kayo ng nanay ko!’

Marco Gumabao nakikita ang nanay kay Cristine Reyes: 'Alam mo Love, parehong-pareho kayo ng nanay ko!'

Marco Gumabao at Cristine Reyes

PROUD na proud ang hunk actor na si Marco Gumabao sa kanyang nanay dahil sa sobrang tapang nito sa pagharap sa matitinding pagsubok ng buhay.

Naibahagi ng binata sa publiko ang naging buhay ng kanilang pamilya simula nang makulong ang tatay niyang aktor na si Dennis Roldan sa kasong kidnapping.

Sa panayan ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz kay Marco na mapapanood sa kanyang YouTube channel, grabe raw ang pinagdaanan ng nanay niya noong panahong yun pero nalampasan nila ang lahat ng challenges.

Dahil dito, hangang-hanga si Papa O sa nanay ni Marco na si Loli Imperial-Gumabao, “Ang tibay ng mommy mo, ha.”


“Sobra,” ang pagsang-ayon naman ng aktor.

Sabi pa ni Marco, kahit daw ang girlfriend niyang si Cristine Reyes ay bumilib nang bonggang-bongga sa nanay niya nang malaman din nito ang kuwento tungkol sa kanilang past.

“Even with Cristine, of course. Noong nakilala ni Cristine si Mama. Sabi rin ni Cristine na parang, grabe, hanga siya sa Mommy ko. Na parang feeling mo kasi, okay, mahiyain. Ganyan. Pero sobrang tibay. Sobrang tapang,” pahayag ni Marco.

Ganyan din daw ang mga katangiang hinahanap ng hunk actor sa isang babae kaya ang sumunod na tanong ni Ogie,  “So mayro’ng ganun si Cristine?”

“Sobra. Lagi ko ngang sinasabi kay Cristine. Alam mo, Love, sabi ko, parehong-pareho kayo ng nanay ko. As in,” chika pa ni Marco.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao ramdam na si Cristine ang kanyang ‘the one’: Hindi naman ako magsasayang ng oras kung hindi ko nakikita ang tao for the end game

Sa kabila ng patuloy na pagpo-post nina Cristine at Marco ng kanilang sweet moments together sa social media, tipid na tipid pa rin ang aktres sa pagbabahagi ng detalye tungkol sa kanilang relasyon.


Ayon sa sisteraka ni Ara Mina, mas gusto kasi nila ni Marco na huwag na munang ibahagi sa publiko kung anumang meron sila ngayon para iwas tsismis at intriga na rin.

Sey ni Cristine, nais nila ng kanyang hunk actor-boyfriend na gawing “low key” lamang ang kanilang relationship dahil pareho nga silang public figure na palaging nahuhusgahan ng mga tao.

“I’m very happy right now. It’s something fresh. But I want it somehow to keep it low. Mas maganda yung chill lang.

“Ayoko na ‘yung masyadong pinag-uusapan. Of course, we all know about it pero hanggang du’n na lang muna siguro,” ang pahayag ni Cristine.

Sa isang panayam, sinabi naman ni Marco na, “Ayoko munang magsabi ng mga label-label na ganyan. For me, labels put a lot of pressure on your relationship. Basta ako, kaming dalawa, happy kami.”

Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘You are my home and my adventure all at once’

Read more...