Pasig City may scholarship program para sa college students

Pasig City may scholarship program para sa college students, paano nga ba makakuha?

Pauline del Rosario - September 10, 2023 - 10:45 AM

Pasig City may scholarship program para sa college students, paano nga ba makakuha?

PHOTO: Facebok/Vico Sotto

MAY panibagong programa ang lokal na pamahalaan ng Pasig City na tiyak na ikatutuwa ng mga estudyante at magulang!

Kung ‘nung nakaraan ay ang transportation allowance para sa sa K-12 students, ngayon naman ay magbibigay sila ng scholarship para sa tertiary o college students.

Inilunsad ng LGU ang tinatawag nilang “Private Education for the Advancement of Grassroots through Academic Scholarship Assistance (Pag-asa)” scholarship program.

Sa ilalim ng nasabing programa, ang eligible students ay tatanggap ng hindi hihigit sa P35,000 kada semestre, na may kasamang mga kondisyon para mapanatili ang kanilang scholarship.

Ano-ano nga ba ang mga kailangang gawin upang ma-qualify sa Pag-asa scholarship program?

Unang-una ay dapat sakop ang mga estudyante sa tinatawag nilang “priority programs.”

Kabilang diyan ang mga kursong Accountancy, Business Administration/ Entrepreneurship/ Management/ Marketing/ Finance, Education, English/ Journalism/ Communications, Hospitality Management/ Tourism, Information Technology/ Computer Science, Nursing, Political Science, at Psychology.

Baka Bet Mo: Ralph Gurango umariba sa ‘Google News’ scholarship program, nag-iisang Pinoy na napili

Narito naman ang listahan ng requirements upang maging eligible sa scholarship:

  • Filipino citizen

  • Pasig resident for at least two years prior to the deadline of submission of requirements

  • Included in the Listahanan (National Household Targeting System for Poverty Reduction) or monthly household income must not exceed P30,000.00

  • Enrolled as first year student to a priority program in a Commission on Higher Education-accredited private Higher Education Institution (HEI) or Technical Education And Skills Development Authority-accredited private Technical Vocational Institution (TVI) located in Pasig City, provided that there is an existing Memorandum of Agreement between the City Government of Pasig and the HEI or TVI

  • With good moral character and without any derogatory record

  • Not a scholar of any scholarship program or study grant

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, sa ngayon ay magsisimula muna sila sa ilang daang benepisyaryo, pero kalaunan ay target nilang mas paramihin ang mga makikinabang sa programa.

“We’ll start maybe with a few hundred scholars, but really the goal here is for all Pasigueños who want to go to tertiary, who want to finish their tertiary studies, who want to go to college, at kaya, ito ang tamang pathway para sa kanila, na dapat lahat mabigyan ng pagkakataon sa pamamagitan ng Pag-asa scholarship program,” sey ng alkalde.

Kamakailan lamang, inanunsyo ni Mayor Vico na magbibigay sila ng “transportation allowance” na worth P1,500 para sa mga estudyante ng pampublikong paaralan.

Nagsimula na ‘yan noong September 6 at nakatakdang matapos sa September 15.

Kasabay niyan ay sinabi ng mayor na nagkaroon ng problema sa delivery ng mga libreng school supplies kaya mauudlot ng kaunti ang pamimigay nito.

Hindi raw muna niya idedetalye kung ano ang naging aberya, pero tiyak naman daw na may darating.

“Alam kong maraming gastusin pag magpapasukan, kaya sana makabawi ako sa inyo kahit papaano sa pamamagitan ng nasabing cash allowance,” sey ni Mayor Vico.

Read more:

Gladys Reyes proud nanay sa anak na si Christophe; nakapasa na sa ilang top schools sa Pinas, may scholarship pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong tinupad ang kabilin-bilinan ng magulang; matinding hirap ang dinanas bilang working student

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending