Lala Sotto nais ‘patalsikin’ bilang MTRCB chair matapos suspendihin ang ‘It’s Showtime’

Lala Sotto nais ‘patalsikin’ bilang MTRCB chair matapos suspendihin ang ‘It’s Showtime’

PHOTO: Facebook/Lala Sotto

NANANAWAGAN ang Department of Broadcast Communication ng University of the Philippines (UP) na magbitiw si Lala Sotto sa kanyang tungkulin bilang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ito ay sa gitna ng ipinataw na 12-day suspension sa noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime.”

Magugunitang nagkaroon ng violation ang programa dahil sa tila kabastusang ginawa ng TV hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez na ipinakita ang pagsubo ng icing sa segment ng “Isip Bata” sa July 25 episode ng programa.

Sa inilabas na pahayag ng UP department, inihayag nila ang pagkadismaya kay Lala.

Ayon sa kanila, ang naging desisyon sa nasabing show ay isang halimbawa ng “lack of wisdom” at kakulangan sa pag-unawa ng ahensya.

“While our stand is not about a specific program, MTRCB’s recent imposition of a 12-day airing suspension on ABS-CBN’s noontime show ‘It’s Showtime’ is a clear demonstration of the point about the agency’s lack of wisdom and discernment. We assert that this sanction is nothing but severe,” lahad sa ibinanderang statement.

Patuloy pa, “We also call for the resignation of MTRCB Chair Diorella Maria ‘Lala’ Sotto, whose pronouncements on national TV evidently compromised her position and objectivity as a public official.”

Baka Bet Mo: MTRCB Chair Lala Sotto sa ‘kissing scene’ nina Tito Sen at Helen Gamboa sa E.A.T.: ’44 years na silang ganyan sa Eat Bulaga never naman nagkaisyu’

Kasabay nito, nanawagan din ang UP department para sa pagbuwag ng MTRCB, na ayon sa kanila ay naging “regressive” kung saan ang board ay naglalarawan ng “proclivity for censorship and high-handedness.”

“A vestige of a regime of control and oppression, it proves, time and again, its being a bastion of conservatism,” sey nila.

Dagdag pa, “Its utter disregard for the show’s labor force which will be taking the brunt of the suspension contradicts any attempt at promoting sensitivity. It is outmoded and an exercise in futility.”

“We append our collective voices to past and current calls for its abolition, or if at all, transformation into an information and media literacy agency that advances critical, intelligent, liberating, and sensible media production and audienceship, much needed in this milieu of orchestrated ignorance and disinformation,” anila.

Sinabi rin ng UP department na sa halip na maging tagapagtaguyod sa motto nito na isang “matalino at responsableng manonood” ay naging “arbiter of media morality” ang MTRCB.

As of this writing, wala pang inilalabas na komento ang nabanggit na ahensya patungkol dito.

Noong nakaraan lamang, ibinandera ng pamunuan ng MTRCB na hindi bumoto si Lala sa parusang ipinataw sa “It’s Showtime.”

“Chairperson Lala Sotto inhibited from voting, ensuring that members of the Board exercised their independent judgment in determining the appropriate course of action,” paliwanag sa pahayag.

Base naman sa official statement ng ABS-CBN, aapela sila sa MTRCB at nanindigan na walang nilabag na batas ang programa.

Related Chika:

Jennica nahihiyang aminin ang pangarap na makasama sa Pinoy version ng K-drama: ‘Ngayon, ipagsasabi ko na para makapag-audition po ako’

Read more...