KC nagpasalamat sa pagmamahal ni Kiko, umiwas lang daw sa kanegahan: 'I unfollowed, but I will never unlove' | Bandera

KC nagpasalamat sa pagmamahal ni Kiko, umiwas lang daw sa kanegahan: ‘I unfollowed, but I will never unlove’

Ervin Santiago |September 07,2023
facebook
share this

KC nagpasalamat sa pagmamahal ni Kiko, umiwas lang daw sa kanegahan: ‘I unfollowed, but I will never unlove’

Ervin Santiago - September 07, 2023 - 12:13 AM

KC nagpasalamat sa pagmamahal ni Kiko, umiwas lang daw sa kanegahan: 'I unfollowed, but I will never unlove'

Frankie Pangilinan, KC Concepcion, Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta

“I REALIZE po na life is short, sayang po kung aaksayahin natin ang time with negativity,” sey ni KC Concepcion hinggil sa isyu sa pagitan niya at ng pamilya ng kanyang inang si Sharon Cuneta.

Muling nagsalita ang aktres at negosyante sa kontrobersyang kinasasangkutan niya kaugnay ng pag-unfollow niya sa mag-amang Kiko at Frankie Pangilinan sa Instagram.

Patuloy na pinag-uusapan sa apat na sulok ng kashowbizan ang umano’y away ng magkapatid kung saan nadamay na nga umano pati ang nanay niyang si Sharon at stepdad niyang si Kiko.

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon binasa ang ipinadalang statement ni KC na ipinadala niya mismo sa host ng programa na si Tito Boy.

“I have learned my place in people’s lives, and out of respect, I will not overplay my part.

“I am forever grateful to have experienced the love of a father through the experience of having a stepfather since I was 12 years old.

“I’m sure hindi din po perfect ang journey niya, but I know he’s trying his best,” ang mensahe ni KC.

Baka Bet Mo: Hirit ni Janno: Pasko na po, tigilan n’yo na iyang bold….mahiya naman kayo sa mga anak n’yo

Naniniwala rin daw ang dalaga na naging mabuti naman siyang anak na tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa kanyang pamilya pero aniya, mas gusto muna niyang mag-focus sa sarili niyang kaligayahan.

“I realize po na life is short, sayang po kung aksayahin natin ang time with negativity. I just want the family to be happy, and also myself to be happy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Yes, I unfollowed on social media platform—but I will not unfollow the lessons I have learned growing up into the woman I am today. I unfollowed, but I will never unlove,” pahayag pa ng dalaga.

Feeling din ni KC, darating at darating ang tamang panahon na malapagpasan nila ang mga pinagdaraanang personal na problema at isyu sa pamilya.

“Family is family. Don’t worry, naniniwala naman po ako na we have enough love to overcome this.

“I have faith na somehow God will bring us all to a happy place, one day,” dagdag pang paniniguro ni KC.

Matatandaang nagsimula ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya nina Sharon at KC nang magbigay ng reaksyon ang huli tungkol sa nararamdaman niya tungkol sa reunion concert ng ina niyang si Mega at tatay na si Gabby Concepcion.

“Kung excited kayo, eh di lalo naman ako! Sobrang happy ko to be back in Manila for this very special reunion concert!” aniya.

Jaya sa mga followers sa socmed: Unfollow if you must

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janella rumesbak sa nagsabing ‘sayang’ siya dahil maagang nabuntis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending