Janella rumesbak sa nagsabing 'sayang' siya dahil maagang nabuntis | Bandera

Janella rumesbak sa nagsabing ‘sayang’ siya dahil maagang nabuntis

Therese Arceo |August 12,2021
facebook
share this

Janella rumesbak sa nagsabing ‘sayang’ siya dahil maagang nabuntis

Therese Arceo - August 12, 2021 - 05:15 PM

MULING nagkita ang matalik na magkaibigan na sina Janella Salvador at Erich Gonzales.

Sa vlog ni Erich tinanong nito si Janella kung ano ang mga naging changes sa kanyang buhay matapos ang pagbubuntis nito sa anak nila ni Markus Paterson na si Jude.

Amin ng newly mom, naging organized daw siya nang dumating si Jude sa buhay niya.

Chika pa niya, “Before I got pregnant, when you go to my house lagi kong sinasabi ‘Don’t go kasi it’s still magulo’ kasi tamad talaga ako mag-ayos dati but now, after having a baby, it’s like gusto ko lahat organized. Like wala akong ibang inisip kung hindi mag-organize, mag-ayos, maglinis.”

Agree naman ang kaibigang si Erich dahil nang dumalaw siya sa bahay nito nang makauwi sina Janella sa Pilipinas, napa-wow ito dahil hindi niya ineexpect na mas malinis at maayos na ang place ni Janella.

Pinuri rin nito na hindi na madalas late ang kaibigan.

Amin pa ng aktres, hindi naging madali ang kanyang journey noong pinagbubuntis ang anak lalo na sa mundo na kinagagalawan niya.

“It’s obvious naman na people in our line of work get pregnant, lalo na at my age, ang daming opinions and judgments.

Dagdag pa niya, marami na rin naman daw ang mga taong nagiging open sa ganitong sitwasyon dahil marami ring natatanggap na positive messages ang aktres na nagco-congratulate sa kanya ngunit hindi pa rin nawawala ang mga kanegahan.

“Hindi mawawala ‘yung parang notion na ‘ay sayang’, maraming ganoon na ‘sayang, sayang, sayang’ but honestly, I’m out to prove na nanganak lang naman ako, eh. I’m still Janella. I just gave birth but I still can do what I can do,” sagot ng aktres.

Dagdag pa ng aktres, nagagawa pa rin naman niya ang mga dating ginagawa tulad ng pag-arte at pag-awit. Bukod pa rito, gustong patunayan ng aktres na hindi natatapos sa panganganak ang career niya.

“I just want to prove not just to others but also to myself na kayang kaya. Motherhood doesn’t stop someone from achieving their dreams.”

Ibinahagi rin ni Janella na sa ngayon mas priority niya ang pagbibigay ng magandang future para sa anak. Hands-on rin sila ng kanyang partner na si Markus Paterson sa pag-aalaga kay baby Jude dahil wala silang yaya.

Nang tanungin kung dumaan siya sa phase ng post-partum, hindi ang naging sagot ng aktres.

“I was actually thinking about it kasi everytime people would ask me, I would always say ‘no’ kasi hindi ko talga siya pinagdaanan.

“The first few months na kakalabas lang ni Jude, hindi ako nagkaroon ng post partum kasi I guess, my support system was super good.

“Nandoon ‘yung mom ko, hands-on si Markus kahit wala kaming maid don (United Kingdom) so parang there’s no reason for me to feel overworked or drained because they are always there to help,” sagot ng aktres.

Ngunit amin niya dumating siya sa punto na madali siyang maging iritable nang makauwi sa Pilipinas pero agad rin naman nila itong naresolba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon raw ay pinag-aaralan nila ni Markus kung paano maibalik ang ‘babe time’ nila dahil sa ngayon raw ay nai-stress siya sa tuwing susubok silang mag-date ni Markus dahil nagi-guilty siya na iwan ang anak sa pangangalaga ng kaanak.

Plano rin ni Janella na magkaroon ng sariling YouTube channel at nagsusulat siya ng kanta sa kasalukuyan para sa susunod niyang album.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending