Gabby botong-boto sa dyowang bank manager ni KC, pero aprub din kaya Mega?
UNTI-UNTI na ngang inilalantad ni KC Concepcion at ng kanyang rumored boyfriend na si Mike Wuethrich sa publiko ang kanilang relasyon.
Ilang beses nang nag-post ang aktres at negosyante sa kanyang Instagram account ng mga video kung saan kasama niya si Mike, kabilang na ang pamamasyal nila sa Switzerland.
Makikita sa naturang video ang sweet moments ng dalawa habang iniikot ang ilang tourist spots doon kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan.
At nito ngang mga nagdaang araw, marami ang nakapansin na panay na rin ang pagse-share ni Mike na isang Filipino-Swiss bank manager sa Switzerland, ng mga litrato at video kasama si KC.
View this post on Instagram
Kabilang na riyan ang isang short video ng mga photos at clips mula sa kanilang mga travel abroad. Kitang-kita rito ang sobrang kaligayahan ni KC kaya naman hindi na maikakailang may namamagitan na talaga sa kanila.
Bukod dito, madalas na ring ma-comment si Mike sa mga social media post ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Sa katunayan, mang mag-post si KC sa IG para sa promo ng kanyang international movie na “Asian Persuasion” ay nag-comment pa si Mike ng, “Super proud of you.”
Sa video post naman ni KC kung saan ibinahagi nito ang ilang kaganapan sa trip nila sa Switzerland, nandoon din si Mike. Aniya sa caption, “Nakaka-happy.”
Baka Bet Mo: Tatay ni Nadine botong-boto sa bagong dyowa ng anak; Christophe Bariou super close na sa pamilya Lustre
Kalakip nito ang isang Bible verse mula sa Philippians 4:8, “Whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable – if anything is excellent or praiseworthy – think about such things.”
Ang comment ni Mike dito, “Beautiful …And whatever you have learned and received and heard and seen, put it into practise. Imitate Christ.”
In fairness, na-happy din ang mga fans at social media followers ni KC dahil anila, mukhang natagpuan na raw ng dalaga ang “icing” sa kanyang cupcake at si Mr. Right (mula sa lyrics ng kanta ni Kim Chiu).
View this post on Instagram
Sey pa ng IG followers ni KC, botong-boto sila kay Mike at sana’y pang-forever na nga ang relasyon ng dalawa. Nakiusap pa nga sila sa bank manager na alagaang mabuti ang aktres dahil ilang beses na rin daw itong nabigo sa pag-ibig.
Matatandaang inamin ni KC sa isang presscon na masaya naman ang kanyang personal life ngayon, “Okay naman ang lovelife. It’s not really something na gusto kong ilabas nang todo-todo, kasi ever since yung first relationship ko, parang masyadong open book lahat.”
Samantala, mukhang botong-boto naman si Gabby sa bagong dyowa ng kanyang anak base na rin sa napanood naming video na kuha sa birthday celebration ng half-sister ni KC na si Savannah Concepcion.
Si Savannah ay anak ni Gabby sa kanyang asawang si Genevieve Yatco Gonzales. Sa nasabing video ay makikitang magkakasama sa isang table sina KC, Mike at Gabby.
Ang tanong, si Sharon kaya boto rin kay Mike para sa kanyang panganay na anak? Wait na lang tayo sa susunod na pasabog ni Mega.
Pamilya ni Julia botong-boto kay Gerald; tinukso sa ‘family photo’ kasama si Scarlet Snow
Kim, Bela botong-boto sa BF ni Angelica: This man is #AngBeKi approved per DTI NCR number…!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.