Michael V ibinuking ang ‘sikreto’ ni Mike Enriquez: ‘Iba yung persona niya na nakikita mo sa TV dahil…’

Michael V ibinuking ang 'sikreto' ni Mike Enriquez: 'Iba yung persona niya na nakikita mo sa TV dahil...'

Michael V at Mike Enriquez

INALALA ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V ang panahong ini-impersonate niya ang yumaong veteran broadcaster at news anchor na si Mike Enriquez.

Isa si Mike sa mga kilalang personalidad na ginaya ni Bitoy para sa ilang sketch at segment ng longest-running gag show sa Pilipinas na “Bubble Gang” na napapanood na tuwing Linggo sa GMA 7.

Ayon sa komedyante, marami siyang na-discover sa namayapang news anchor nang makasama niya ito sa ilang okasyon, kabilang na noong maging special guest nila ito sa “Bubble Gang.”


Ilan sa hindi niya malilimutang eksena sa kanilang gag show ay ang panggagaya niya kay Mike bilang si “Michael Ricketts” at “Mang Enriquez.”

Bukod pa rito, may ginawa rin silang sketch noon sa “Bubble Gang” kung saan ini-spoof nila ang iconic program ni Mike sa GMA na “Imbestigador” na tinawag nilang “Estimador.”

Sey ni Bitoy, ang GMA news program lamang na “24 Oras” ang plano nilang gayahin nu’ng kaya gumawa sila ng “4 Oras” na comedy sketch.

“Kapag tinitingnan namin sina Tita Mel dati at Sir Mike parang talagang walang tulog. Ang version namin may pahinga rin kami kahit paano,” pahayag ni Michael V  sa panayam ng “Balita Ko” ng GTV.

At dahil pumatok nga ang nasabing segment sa “Bubble Gang”, naisipan na rin niyang i-impersonate ang namayapang broadcaster.

Baka Bet Mo: Michael V: Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto

“Si Sir Mike parang ngayon lang natulog eh no? ngayon lang nagpahinga,” ang birong sabi pa no Bitoy.

Para kay Bitoy, ang isa pang kakaiba kay Mike ang ang boses nito at kung paano ito magbalita, “Tapos yung very iconic na ubo niya, at saka yung pag-excuse me po niya sa audience. So doon na-inspire kami.”


Paglalarawan pa niya kay Mike, “joker” din daw ito sa tunay na buhay at totoong napakabait at generous na tao, taliwas sa inakala niya nu’ng una na seryoso ito sa lahat ng bagay.

“Iba yung persona na nakikita mo sa TV tapos iba yung sa personal parang matagal na kayong magkaibigan. Kaya napaka-warm yung pagtanggap niya sa amin,” sey pa ni Bitoy.

“Natutuwa nga ako nu’ng ikinuwento nung pamangkin niya yata ‘yon na ni-request daw ni Sir Mike ilagay yung wacky photo dun sa ano niya sa burol niya,” pagbabahagi pa ni Bitoy.

Binalikan din ng komedyante ang guesting noon ni Mike sa anniversary ng “Bubble Gang” kung saan nag-host ito sa isa nilang segment.

“Haligi, icon na siya. Haligi siya ng telebisyon,” ang paglalarawan pa ni Bitoy kay Mike Enriquez.

Kuya Kim inakalang pumanaw na rin dahil sa black and white photo nila ni Mike Enriquez: ‘Di po ako namatay…’

Susan Enriquez sa pagpanaw ni Mike Enriquez: Parang iniisip ko, fake news na naman ito

Read more...