Iyah Mina natulala nang makaharap sina Janice de Belen at Jaclyn Jose: ‘Kasi pinapanood mo lang sila dati ngayon nakakasama mo na’

Iyah Mina natulala nang makaharap sina Janice de Belen at Jaclyn Jose: 'Kasi pinapanood mo lang sila dati ngayon nakakasama mo na'

Iyah Mina, Janice de Belen, Allen Dizon, Ara Mina at Jaclyn Jose

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang transgender actress na si Iyah Mina na katrabaho na niya ang dalawa sa mga iniidolo niyang award-winning actress.

Inamin ni Iyah na talagang na-starstruck siya habang kaeksena sina Janice de Belen at Jaclyn Jose sa upcoming horror movie na “Poon.”

Ayon kay Iyah, may mga pagkakataong basta na lang siyang natutulala kapag kaharap at kausap na sina Janice at Jaclyn na pinanonood lang daw niya dati sa TV at sa sinehan.

“Hanggang ngayon hindi namin naiisip na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon kaya nakakakilig. Ako, tulala lang ako kapag nakikita ko sila, kasi pinapanood mo lang dati ngayon nakakasama mo na,” ang pahayag ng proud member ng LGBTQIA+ community  sa isang episode ng “Magandang Buhay.”


Pagbabahagi pa ni Iyah na isa ring magaling na komedyana, “Siyempre kailangang gawin mo ang trabaho mo, makipagsabayan. Kakalimutan mo muna ‘yung fangirling.

“Actually sila mismo ‘yung nagsasabi na kaya mo ‘yan. Nag-e-encourage sila. Hindi ka matatakot kasi nga tutulungan ka pa nila,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: Ara Mina, Dave Almarinez planong magkaanak sa 2024: ‘I can still get pregnant, age is just a number’

Ang “Poon” ay mula sa direksyon ni Adolf Alix Jr., kung saan kasama rin sina Ara Mina, Ronaldo Valdez, Gina Pareño, Allen Dizon at marami pang iba.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Iyah Mina ay ibinandera nga niya ang pagsisimula ng kanilang shooting para sa naturang pelikula.

Kalakip ang litrato niya kasama ang cast ng “Poon”, narito ang mensahe ni Iyah, “Grabe lungs!! Mga icons! Grabe kilig ko sobra… Mga best actress and best actor.


“So nakahanay ba ako Charot!!!!! Yung nagkagulatan pa kami ni Ms. @jaclynjose kasi magkasama kami ulit hahaha,” sabi pa ng aktres.

Gumawa ng kasaysayan si Iyah Mina sa history ng Philippine cinema bilang first transwoman na nanalong best actress sa 2018 Cinema One Originals Film Festival entry na “Mamu: And a Mother Too.”

Gumanap siya rito bilang matandang sex worker at adoptive mother kung saan nakasama niya sina Markus Paterson, Aaron Villaflor, EJ Jallorina at marami pang iba, sa direksyon ni Rod Singh.

Iyah Mina, mga kaibigan nag-ambagan para makapagtayo rin ng community pantry

Ara Mina inaming dream come true ang magkaroon ng sariling pamilya: ‘Hindi ko akalain na ikakasal pa pala ako’

Read more...