Connie Sison, Raffy Tima mas maraming pasabog at pampabusog na putahe sa ‘Balita Ko’

Connie Sison, Raffy Tima mas maraming pasabog at pampabusog na putahe sa 'Balita Ko'

Connie Sison at Raffy Tima

MARAMING bagong pasabog para sa manonood ang pinakabagong programa ng GMA Integrated News, ang “Balita Ko” na magsisimula na ngayong Lunes, September 4, 11 a.m. sa GTV.

“Mas malaking misyon, mas malawak na paglilingkod sa bayan!” Yan ang pangako ng magiging host ng programa na sina Connie Sison at Raffy Tima.

“Balita Ko” is a news and infotainment program that will give viewers not just breaking news and updates, but also fresh segments that tackle topics close to the hearts of Filipinos.

“Dapat silang manood ng Balita Ko dahil bukod sa maaasahang patas at tunay na balitang tatak GMA Integrated News, ihahain din namin ang mas pinagandang estilo ng pagbabalita.

“Mabubusog na kayo sa impormasyon, maaaliw at maeengganyo pa kayong tumutok para maging updated sa mahahalagang balita at impormasyong dapat niyong malaman,” ani Raffy.

“Sa Balita Ko, lagi silang may bitbit na mga bagong impormasyong makakatulong para sa tamang diskarte sa pang araw-araw na pangangailangan sa buhay.

“Sa usapin man ‘yan ng pagba-budget sa pamalengke, transportasyon o pambaon, o sa pag-iwas sa mga sakit, at iba pang isyung kinakaharap ng ating lipunan. Sagot na namin ang balita na kailangan nilang malaman,” pahayag naman ni Connie.

Baka Bet Mo: Marco Sison maraming tanong sa biglang pagkamatay ng apong si Andrei: ‘Sobrang bait nu’n, walang bisyo, masunurin sa magulang’

Makakasama rin dito ang senior correspondent na si Katrina Son na siyang maghahatid ng latest news and weather updates mula sa GMA Integrated News Weather Center.

Nandiyan din ang Kapuso showbiz reporter na si Aubrey Carampel na siya namang magbabalita ng latest entertainment news and features via the segment “Mare, Ano’ng Latest?”

Viewers should also look forward to other segments in Balita Ko: “Kitang Kita,” which features successful and inspiring stories on livelihood, small businesses, and side hustles; “Health Is Wealth,” which tackles health-related news and issues; and “Talaga Ba?,” a segment that debunks common Filipino myths.

“We are excited for the launch of ‘Balita Ko.’ In GMA Integrated News, we believe in stories that transcend barriers, making complex topics accessible to all walks of life, ensuring that news and features remain relevant and relatable to our viewers’ daily lives.

“More than just a news source, we hope that ‘Balita Ko’ will be a platform that amplifies the voices of the masses,” ang pahayag ni Senior Vice President and Head for GMA Integrated News, Regional TV, and Synergy Oliver Victor B. Amoroso.

Connie Sison sa pagpanaw ni Mike Enriquez: I only have good memories of you

Vico Sotto feeling sentimental sa reunion nina ‘Tito, Vic & Joey kasama pati si Coney’, may promise sa ‘Eat Bulaga’ family

Read more...