Carla ibang klase kung paghandaan ang pag-arte sa harap ng camera: ‘Akala ng mga nakakatrabaho ko mabilis at mahusay akong magmemorya…’

Carla ibang klase kung paghandaan ang pag-arte sa harap ng camera: 'Akala ng mga nakakatrabaho ko mabilis at mahusay akong magmemorya...'

Carla Abellana

IBANG klase rin pala kung maghanda ang Kapuso actress na si Carla Abellana bago kunan ang mga eksenang gagawin niya para sa isang pelikula o teleserye.

Maaaring ihalintulad ang ginagawang preparasyon ni Carla sa kanyang mga proyekto sa mga estudyanteng nagpe-prepare sa kanilang pagre-report ng assignment sa school.

Pag-amin ng aktres, hindi madali para sa kanya ang mag-memorize ng mga dialogue lalo na kapag mahabaan ito at tuhog ang mga kukunang eksena.

Sa kanyang Instagram account, nag-share ang Kapuso star sa kanyang fans at social media followers kung paano niya inaaral at kinakabisado ang nakasulat sa kanilang script.

Ibinahagi ni Carla ang kanyang litrato sa IG habang isinusulat sa isang Manila Paper ang mga linyang dapat niyang i-memorize.

“Minsan, ganito talaga ako maghanda para sa mga eksena ko sa trabaho. Lalong-lalo na kapag mahaba, mahirap at marami ang mga linya ko. Na lagi naman, kung tutuusin,” simulang pahayag ni Carla.


Patuloy niya, “Madalas, akala ng karamihan na nakakatrabaho ko sa industriya na mabilis at mahusay ako magmemorya.

Baka Bet Mo: Hugot ni Karla Estrada: Pwede akong pagtawanan ng mga tao, huwag lang sa harap ng mga anak ko!

“Hindi nila alam na ilang beses sa loob ng ilang araw ko munang pinag-aaralan ang mga eksena at mga linya ko,” dugtong pa ng aktres.

Hugot pa ni Carla tungkol sa trabaho ng mga artista, hindi raw madali ang kanilang ginagawa sa harap ng mga camera lalo pa kung matitindi at buwis-buhay na mga eksena ang ipinagagawa sa kanila.

“Kaming mga Artista, hindi kami basta-basta darating sa set para umarte sa harap ng mga camera.

“Kadalasan, hindi lang isang araw, dalawang linggo o tatlong buwan namin kung paghandaan ang mga gagampanan namin.

“Pero dahil mahal na mahal ko ang trabaho ko at ayaw kong mabigo ang network, mga producers, mga manunulat, mga direktor at mga kapwa ko Artista na nagtitiwala at umaasa din sa akin, gagawin ko ang lahat para maghanda ng mabuti.

“Ganito ako bilang isang Artista,” ang kabuuang pahayag ni Carla.

Very soon ay mapapanood na uli ang Kapuso star sa upcoming drama series ng GMA 7, ang “Stolen Life” kasama sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez.

Huli siyang napanood bilang si Mary Armstrong sa live action series na “Voltes V: Legacy” na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Maxene Magalona malalim ang hugot sa ‘toxic relationship’: ‘Heal your wounds and transform yourself’

Kylie super na-touch sa ginawa ng anak habang nagme-meditate sa harap ng bonfire

Read more...