Iyah Mina, mga kaibigan nag-ambagan para makapagtayo rin ng community pantry | Bandera

Iyah Mina, mga kaibigan nag-ambagan para makapagtayo rin ng community pantry

Ervin Santiago - May 03, 2021 - 09:18 AM

NAGSIMULA lang sa P6,000 na ambagan, lumaki na nang lumaki ang pondo ng grupo ng aktres na si Iyah Mina para sa itinayo nilang community pantry.

Ibinahagi ng stand-up comedienne sa madlang pipol kung paano nagsimula ang pagtulong nila ng kanyang mga kaibigan sa nga kabarangay sa pamamagitan nga ng pagbibigay ng food supply.

Ayon kay Iyah, tinawag nila ang in-organize na community pantry na  “Team Project Gr8”, “Nag-start ito actually kaming magkakaibigan, pinag-uuspan lang namin sa group chat ng magbabarkada and then ‘yung isang friend ko na aliw siya doon sa initiative ng Maginhawa pantry and then sabi ko, ‘Bakit hindi natin simulan? Start natin.’”

“So nag-start lang kami nang kami-kami lang po and ayun na nga hindi naman sa ano, parang gusto lang rin naming tumulong.

“Parang sobra na kasi na nasa loob lang kami ng bahay, ‘yung wala kaming ginagawa. Gusto sana namin may magawa so naisip naming na tumulong na rin dito sa mga kabarangay namin,” aniya pa.

Nag-ambagan daw sila at nakalikom agad ng P7,000, “Yung grupo namin na team compound, dahil nakatira lang kami sa isang compound. Nagsimula kami sa tig iisang libo, hanggang sa nakalikom kami ng 6 thousand to 7 thousand.

“And then napag-usapan namin na bakit hindi namin i-post baka may gusto pang mag-help. Tapos ayun na nga, sa isang araw, nakalikom na kami ng 100,000 yes one hundred thousand agad-agad in 24 hours lang ‘yon.

“Ayun na nga, sinimulan na namin, mas marami nang dumarating na mga in kind, mga bigas, gulay tapos gumawa kami ng page and then nag-ost kami, tapos pinaalam namin sa barangay na mayroon nga kaming community pantry,” sabi pa ni Iyah.

Inamin naman niya na challenging din ang ginawa nilang proyekto dahil nga sa patuloy na banta ng pandemya kaya siniguro ni Iyah at ng Team Project Gr8 ang kaligtasan at seguridad ng mga kabarangay.

“May konting kaba, siyempre dahil puwedeng ma-isyu. Bakit kami nagpapapunta ng tao, baka magka-COVID pa and like that. Siyempre andon kami yung organized namin na group.

“Mayroong tagatingin sa pila, nililinyahan naming lahat, nandoon kami nakabantay para sa social distancing.

“Ang masarap yung feeling na marami pa ring tao na in need pa rin, marami pa rin ang kailangan ng tulong hindi pa rin sapat ‘yung kumikita, pero ‘yung ganu’n tulong napakalaking bagay na ‘yun para sa isang araw na nila ‘yon,” lahad pa niya.

“Hangga’t meron magdo-donate diri-diretso po kaming tutulong hanggang mayroon pong gusto magbigay ng in kind, bigas o kung kung ano man something, dire-diretso po kaming tutulong” paniniguro pa ni Iyah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna nang nag-organize ng sarili nilang mga community pantry ang mga celebrities na sina Pokwang, Paolo Ballesteros, Kier Legaspi, Gabbi Garcia at Angel Locsin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending