LYCEUM PIRATES nakopo ang ikawalong panalo | Bandera

LYCEUM PIRATES nakopo ang ikawalong panalo

Mike Lee - October 22, 2013 - 03:00 AM


TINALO ng Lyceum ang St. Benilde, 66-54, para maitala ng Pirates ang pinakamagandang pagtatapos sapul nang sumali sa liga noong 2011.

Si Dexter Zamora ay mayroong 21 puntos para sa Pirates na iniwanan ang Blazers sa fourth period, 22-5, upang maisantabi ang 44-49 third-quarter deficit.

Tinapos ng Lyceum ang kampanya tangan ang 8-10 karta at hinigitan nila ang 7-11 baraha na naiposte sa unang taon ng paglahok.

Ang larong ito ay pagpapatuloy lamang sa naudlot na bakbakan noong Oktubre 10 nang itinigil ang laro sa 8:09 ng ikatlong yugto nang tumulo ang bubong dahil sa malakas na ulan.

Samantala, gumawa si Javee Mocon ng 20 puntos para pangunahan ang  apat na San Beda Red Cubs na tumipak ng doble-pigura sa 95-84 panalo sa Letran Squires sa junior division.

Nagising ang Cubs sa third period upang kunin ang 69-65 kalamangan matapos maiwanan ng apat sa first half.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending