Mel Tiangco kay Mike Enriquez: ‘Ang aming pagmamahal sa iyo, hindi namin tatantanan…ngayon, bukas at magpakailanman’

Mel Tiangco may ibinuking tungkol sa 'noseline' ni Mike Enriquez: 'Alam n'yo naman ang ilong niya, as iconic as his delivery of the news'

Vicky Morales, Mike Enriquez at Mel Tiangco

“TOTOONG-TOTOO, taong-tao!” Ganyan inilarawan ng batikang newscaster na si Mel Tiangco ang pumanaw na kaibigan at katrabaho na si Mike Enriquez.

Isa si Mel sa mga kilalang personalidad ng GMA 7 na nagbigay ng eulogy sa burol ni Mike nitong nagdaang Biyernes, September 1, sa Christ The King chapel sa Greenmeadows, Quezon City.

Kuwento ni Mel, magkakilala na raw sila ng namayapang veteran broadcaster bago pa sila nagkasama sa GMA Network noong 1996. Naging boss daw niya si Mike nang magsimula siyang magtrabaho sa Radio Mindanao Network DZXL.

Kilalang-kilala na raw niya ang ugali ni Mike at mas naging close pa sila nang magkasama nang halos tatlong dekada bilang news anchor sa “24 Oras” at “Saksi” ng GMA 7.


Sey ni Mel, grabe ang pagiging generous ni Mike sa mga taong nakakasaka at nagiging malapit sa kanya, “Monetary isn’t the only kind of help he extended. He gave life and career advice to the young and old.

“It can never be denied that Mike has truly touched the lives of countless individuals….he was indeed an inspiration.
“Well done, Mike! Good job on this earth!” pagpupugay pa ni Mel sa namayapang kaibigan na sinundan ng malakas na palakpakan para kay Mike.

Dugtong pa niya, “Farewell, Mike. Your voice may have faded from the airwaves, but your impact would always resonate in our hearts.

Baka Bet Mo: Mel Tiangco tumangging mag-guest sa Family Feud ni Dingdong: Ayoko baka wala akong masagot, mapapahiya ka pa!

Samantala, nagbahagi rin si Mel ng ilang nakakaaliw na kuwento tungkol kay Mike at sa sobrang pagmamahal nito sa kanyang misis na si Lizabeth “Baby” Yumping.

“I will tell you, from a woman’s heart, I can say, mahal na mahal niya si Baby. Kuwentuhan ko kayo. Nagmamadali na yang umuwi. ‘Mel, umuwi na na tayo.’ ‘Bakit?’ Nagluto daw si Baby ng monggo. Naiisip daw niya.

“O, ngayon, yung damit, huwag mong mapansin ang damit niya. Huwag mong pintasan ang damit. ‘Ah, hindi. Si Baby nag-ayos nito,’ sabi niya,” ani Mel sabay tingin kay Baby.

“Kahit kung minsan, Baby, asiwa. Asiwa yung kulay. Asiwa yung ano. Sasabihin lang niya, ‘Hindi, okay lang yan! Si Baby gumawa nito!’ Pero, kahuli-hulihan, natutong maglagay ng nose, anong tawag du’n? Noseline! Natuto!


“E, kung minsan, aba’y, dyusko naman! Ang noseline na inilalagay, itim na itim! So, pagsasabihan ko siya, ‘E, Mike, medyo anuhin mo naman yan… Nipisan natin ng konti. Pormahan natin.’

“Alam n’yo naman ang ilong ni Mike, di ba? As iconic as his, as his delivery of the news. Yung nose niya talaga, nobody has a nose like that,” pagbabahagi pa ng news anchor na sinundan uli ng tawanan ng mga nasa lamay. Pero paglilinaw naman agad ni Mel, “That’s supposed be positive.”

Pagpapatuloy pang kuwento ni Mel tungkol sa noseline ni Mike, “Baby, makinig ka, asi, kung minsan, yung makeup artist niya,ang sinisikreto ko, e. ‘Grace, bawas-bawasan mo naman! Sobra-sobra na!’

“Sabi niya, ‘Naku, Tita Mel, yan ang gusto niya!’ ‘Ah? Totoo ba yun, Mike, gusto mo yun?’ ‘Hindi! Si Baby ang may gusto nito! Si Baby nanonood araw-araw para bantayan yung ilong ko!’ So, di namin mapakialamanan yung ilong niya.

“So, anong ibig sabihin niyan? Taong-tao, di ba? Despite of all the accolades. Despite all of his mastery of our profession, totoong-totoo, taong-tao,” pahayag pa ni Mel patungkol kay Mike Enriquez.

Mel umaming tinamaan din ng COVID, hindi pa nakakausap si Mike; Bea bibida sa anniversary horror episode ng #MPK

Cristine Reyes pangarap maging news anchor tulad ni Mel Tiangco; wish makatrabaho sina John Lloyd at Ate Vi

Read more...