Barbie sa mga nagsi-ship sa kanila ni David: ‘Yung personal lives namin outside this loveteam are off-limits, hindi po siya kasama sa trabaho’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Barbie Forteza at David Licauco (Photo from BarDa Official Instagram)
HALATANG nawiwindang at nakukulitan na ang Kapuso Primetime Drama Princess na si Barbie Forteza sa mga tanong tungkol sa personal lives nila ng kanyang leading man na si David Licauco.
Binasag na ni Barbie ang ilusyon ng ilang fans nila ni David na pwede pa rin silang magkatuluyan sa tunay na buhay dahil boyfriend pa lang naman daw niya si Jak Roberto at maaari pa silang magkahiwalay.
Sa grand mediacon ng latest series ng tambalang BarDa sa GMA 7, ang TV version ng classic movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na “Maging Sino Ka Man“, diretsahan nang sinagot ni Barbie ang isyu.
“Una po sa lahat, I would like to acknowledge the presence of our beloved supporters na nandito ngayon. Magandang gabi.
“From the bottom of our hearts, gusto po namin magpasalamat sa inyo for your unconditional support,” aniya.
Pinasalamatan din ng dalaga si David dahil ang binata raw talaga ang unang nag-effort na mag-post sa X (dating Twitter) ng mga naging kaganapan noon sa kanilang serye na “Maria Clara at Ibarra.”
“I would also like to share the credit of the success of BarDa kay David kasi siya naman po talaga ang nagsimula ng Twitterserye sa ‘Maria Clara at Ibarra.’ Siya naman talaga nag-initiate ng Twitterserye na ‘yun. Naki-ride lang ako tapos nagustuhan ng mga fans kaya tumaas ang engagements namin sa Twitter.
“I’d like to share the success, of course, with David dahil grabe din talaga ‘yung hardwork and ‘yung dedication niya to make us work, to make this partnership work na parang parehas kaming nagbe-benefit and parehas kaming nag-gain ng friendship sa isa’t isa throughout the process of working together,” kuwento ni Barbie.
Ipinagdiinan ni Barbie na super friends talaga sila ngayon ni David, “Sa industriyang ito, ahm, masasabi ko na napakalaking bagay kung makahanap ka ng kaibigan sa isang katrabahong matagal mong makakasama kasi…it’s kind of a cruel world. It’s not easy being in our shoes. So ang saya lang kasi we got each other’s back.
“As for the fans, as grateful as we are for the support na binibigay nila sa amin na kahit hindi namin hiningi, ibinigay nila sa amin nang buong puso, siyempre, sabi nga po ni Ms. Lea Salonga, we have to set our personal boundaries because at the end of the day, tao po kami,” sabi pa ng aktres.
Patuloy pa niya, “So, I guess, David will agree with me, ‘yung personal lives namin outside this partnership, outside this love team, are off-limits.
“The people that make us happy, the people that love us, family, loved ones, off limits po ‘yun. Opo. Hindi po ‘yun kasama sa trabaho,” mariing sey ng dalaga.
Para naman kay David, “Well, siyempre, again, first and foremost, we have to respect the personal lives of Barbie and I. Kaya, yeah, I mean, siyempre, we’re good friends and I have so much respect for Jak. Hindi ko naman siya naiisip (magkatuluyan sa tunay na buhay).”
Samantala, mapapanood na simula sa Sept. 11 ang “Maging Sino Ka Man” sa GMA Telebabad kung saan makakasama rin sina Jean Garcia, Juancho Trivino, Faith da Silva, Rain Matienzo, Mikoy Morales, Jean Saburit, Juan Rodrigo, ER Ejercito at Jeric Raval.