I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |October 22,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - October 22, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Annavie ng Surigao City. February 25, 1987 ang birthday ko. Sino-sino mga lalaki ang ka-compatible ko at kailan ako magkaka-boyfriend?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong February 25, 1987 ka-compatible mo silang mga lalaking isinilang sa zodiac Cancer, Virgo, Scorpio, Sagittarius at kapwa mo Pisces, higit lalo silang may birth date na 2, 11, 20, 29, 9, 18, 27, 4, 13, 22, 31, 7, 16 at 25.

Mula kay Ma. Luisa ng …7509. September 16, 1979 ang birthday ko at April 29, 1977 ang mister ko nagka-hiwalayt kami, magkakabalikan pa ba kami?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 16, 1979 at April 29, 1977 naman ang mister mo, sadya at tunay kayong compatible sa isat-isa, kaya sa buwan din ng Disyembre bago sumapit ang pasko, magkakabalikan na kayo ni mister upang muling mabuo ang maging maligaya ang inyong pamilya.

Mula kay Thopel ng San Francisco Agusan del Sur. Ang kasalukuyan ko na  bang girlfriend ang makakatuluyan ko. April 20, 1989 ang birthday nya at September 16, 1987 naman ako.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 16, 1987 at April 20, 1989, sadyang compatible ang zodiac sign mong Virgo at Taurus naman ang girlfriend mo, gayon din ang birth date mong 16 at birth date niyang 20. Ibig sabihin sa malapit na hinaharap, humigit kumulang sa taong 2014 sa edad mong 27 at 25 naman ang girlfriend mo, kayo na nga ang magkakatuluyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending