USAP-USAPAN ngayon ang viral tweet ng mamamahayag na si Atom Araullo ukol sa pagiging “harsh” ng publiko sa basketball coach kaysa sa mga politikong inihalal para maglingkod sa bansa.
Ibinahagi ng mamamahayag ang kanyang sentimento sa X (dating Twitter) ang kanyang obserbasyon ukol sa mga Pinoy na gigil na gigil sa isang basketball coach sa social media.
“Minsan parang mas harsh pa tayo sa coach ng basketball kesa elected officials natin,” saad ni Atom.
Wala mang binanggit na pangalan ay alam na agad ng netizens kung ano ang pinatutungkulan ng binata.
Bago pa kasi mag-viral ang tweet ni Atom ay marami na ang bumabatikos sa coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes dahil sa sunod-sunod na pagkatalo ng Philippine basketball team sa FIBA World Cup.
Baka Bet Mo: Atom Araullo sa mga nambabatikos sa kanyang pagpuna sa transportation system ng bansa: Bakit defensive?
Kaya naman marami sa mga Filipino basketball fans ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa mga nangyayari at sinabing kasalanan raw ni Chot kung bakit natatalo ang Gilas at pinagre-resign ito.
Umani nga ng samu’t saring komento at reaksyon mula sa madlang people ang naturang tweet ni Atom.
“Mas mataas ang standards sa sports & beauty contests kesa sa gobyerno,” saad ng isang netizen.
Sabi naman ng kapwa mamamahayag ni Atom na si Karen Davila, “Wala kasing parliamentary courtesy sa basketball.”
Sey naman ng isa, “Pati sa beauty queens, dapat mas magaling sumagot kaysa mga senador.”
“Sad but true. If more people would have the same standards for politicians, we won’t be in a circus right now,” reply naman ng isa pang netizen sa tweet ni Atom.
Samantala, nag-sorry naman na si Chot Reyes sa publiko ukol sa mga nangyayari sa Gilas at sinasabing inaako niyang kasalanan niya ang mga nangyayari.
Sa ngayon ay may 21,200 likes at 5,224 retweets na ang post ni Atom.
Related Chika:
Atom Araullo umalma sa fake news: Utang na loob, itigil n’yo na ang teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM
Atom Araullo kinondena ang fake news laban sa ina: Kailan pa naging katanggap-tanggap yung ganito?