ILANG buwan nalang, malapit na rin pala ang “Halloween.”
Dahil diyan, asahang maglalabasan na rin ang iba’t-ibang horror films na talaga namang mananakot at manggugulat sa inyo.
Isali niyo sa listahan ang pelikulang “Five Nights at Freddy’s” na nakatakdang ipalabas sa November 1.
Ang nasabing horror movie ay hango sa isang sikat na horror game na may kaparehong titulo na inilabas noong 2014.
Sa pasilip ng pelikula, tila magkapareho ang scenario ng mismong laro at ng upcoming film.
Baka Bet Mo: ‘Wednesday’ star Jenna Ortega tampok sa bagong horror movie na ‘Scream VI’
Iikot ang kwento ng horror film sa isang newly-hired night shift security guard ng abandoned theme restaurant, ang “Freddy Fazbear’s Pizzeria.”
Hindi lingid sa kaalaman ng gwardiya na nababalot ng hindi maintindihang mga pangyayari ang nasabing lugar.
Mapapanood din sa trailer ang misteryo ng inabandonang lugar na kung saan ay may mga bata raw na nawala at hindi na sila nakita pang muli.
Ang “Five Nights at Freddy’s” ay mula sa direksyon ng movie director na si Emma Tammi at under ng American film and television production company na Blumhouse, ang producer ng ilang hit horror films katulad ng “M3gan,” ‘The Black Phone,” at “Invisible Man.”
Tampok sa pelikula sina Josh Hutcherson, Elizabeth Lail, Kat Conner Sterling, Piper Rubio, Mary Stuart Masterson at Matthew Lillard.
Habang ang mga iconic animatronic characters na tampok sa horror film ay ginawa ng American puppeteer at animator na si Jim Henson ng Creature Shop.
Related Chika: