‘Wednesday’ star Jenna Ortega tampok sa bagong horror movie na ‘Scream VI’ | Bandera

‘Wednesday’ star Jenna Ortega tampok sa bagong horror movie na ‘Scream VI’

Pauline del Rosario |January 20,2023
facebook
share this

‘Wednesday’ star Jenna Ortega tampok sa bagong horror movie na ‘Scream VI’

Pauline del Rosario - January 20, 2023 - 04:00 PM

‘Wednesday’ star Jenna Ortega tampok sa bagong horror movie na ‘Scream VI’

PHOTO: Courtesy Paramount Pictures International

MUKHANG muling mananakot ang American actress na si Jenna Ortega matapos ang matagumpay niyang thriller hit series na pinamagatang “Wednesday.”

Tampok kasi siya sa bagong horror film na may titulong “Scream VI” na nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa March 8.

Ang inilabas na official trailer ng nasabing pelikula ay puno ng mga nakakagulat na eksena.

Mapapanood din ang mas agresibong pag-atake ng kontrabida na si “Ghostface” sa mga target na suspek.

Ilan sa mga makakasama ni Jenna sa horror film ay sina Melissa Barrera, Jasmin Savoy Brown, Mason Gooding, Hayden Panettiere, Courteney Cox at marami pang iba.

Para sa kaalaman ng marami, ang “Scream” franchise ay mayroon nang limang pelikula, isang television series at laro.

Ang unang pelikula ay inilabas noong 1996 at ito ang naging highest-grossing horror film sa buong mundo hanggang sa natalo ng pelikulang “Halloween” noong 2018.

Ang ikalawang entry naman ng Scream ay inilabas noong 1997, ang ikaapat ay noong 2000 at ang huli ay noong nakaraang taon lamang.

Related chika:

Ate Vi binalikan ang pagiging Darna at Dyesebel; umaming nasaktan sa sampal ni John Lloyd

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin

Reaksyon ni Ate Vi nang isilang si Luis: Bakit ganito itsura? Parang malaking daga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending